Connect with us

Entertainment

Hashim Alawi, Matagumpay na Na-prank ang Kanyang Ina at mga Kapatid na sina Ivana at Mona sa Pamamagitan ng Kanyang “Secret Jowa Prank”

Ang aktres at vlogger na si Ivana Alawi ay isa sa mga sikat at kilalang vlogger sa bansa. Maliban sa kanyang mga nakakaantig na content sa pagtulong sa mga nangangailangan, ay kinagigiliwan rin ang kanyang mga prank vlogs. Walang pinapalampas sa kanyang prank si Ivana, ang kanyang mga kapatid at ina ay nagawa na niyang biktimahin ng kanyang prank na talaga namang may nakakatuwang reaksyon.

Ngunit, sa pagkakataong ito, ang kapatid naman ni Ivana na si Hashim ang gagawa ng prank sa kanila. Sa latest vlog na mapapanood sa YouTube Channel ni Ivana, tampok ang prank ni Hashim kung saan ay nagkunwari siyang nagpapakalasing dahil na-broken hearted.

Bago isagawa ang prank ni Hashim, ay makikita na pinaghandaang mabuti ito ng binata. Sa unang bahagi ng video makikita na ipinaliwanag nito ang mga steps na kanyang gagawin upang maging makatotohanan ang prank.




Makikita na may hawak na bote ng alak si Hashim at ang isang bote ay isinalin sa pitsel samantalang ang isa ay kanyang binuksan at naglagay sa baso. May inihanda ring pang-spray sa mata si Hashim, upang magmukhang naluluha.

At nang handa na ngang isagawa ang prank ay tinawagan na nito si Mona, upang unang biktimahin. Nang makita nga ni Mona ang kanyang Kuya Hashim, ay malumanay itong kinausap at pinayuhan na hindi makakatulong sa problema ang paglalasing. Laking gulat na lamang nga ni Mona nang sabihin ng kanyang Kuya Hashim na prank lamang ito.

Photo credits: Ivana Alawi | Youtube

Sumunod namang naging biktima ay si Ivana na nang mga oras na iyon ay nagluluto. Matapos tawagan ni Mona, ay agad nagtungo si Ivana sa silid ni Hashim. Nagulat nga si Ivana nang malaman na may girlfriend pala ito, at naglalasing dahil sa babae.

Photo credits: Ivana Alawi | Youtube

Makikita ang pag-aalala sa mukha ni Ivana, dahil unang beses nitong nakitang naglasing ang kapatid. Ayon nga kay Ivana, kung maglalasing ito, ay dapat sinabihan siya dahil handa naman daw siyang damayan ito. Nang sabihin nga ni Hashim na prank lamang ito, ay hindi napigilan ni Ivana ang mainis dahil hindi raw magandang biro ito. Huwag daw sanang dumating ang puntong makita nilang totoong umiiyak ang kapatid dahil nasaktan sa pag-ibig.

Photo credits: Ivana Alawi | Youtube

Hindi rin syempre pinalampas ng magkakapatid na iprank ang kanilang ina. Kaya naman nagtulungan sila upang maging makatotohanan ang prank ni Hashim. Makikita na labis ang pag-aalala ng kanilang ina. Ipinakita nga ng kanilang ina ang pagmamahal at pagsuporta kay Hashim, kung saan ay sinuyo at pinayuhan ng may kasamang pagyakap. Ngunit, nang sabihin ni Hashim na prank lamang ang lahat ay ganun na lamang ang pagkagulat ng kanyang ina.




Naging matagumpay nga ang prank ni Hashim sa kanyang mga kapatid at ina. Makikita na kahit anumang pagsubok ang maranasan ng bawat isa, ay kaagapay nila ang bawat isa na kung saan ay talagang ipinapakita ang pagmamahal at pagsuporta bilang isang pamilya.

error: Content is protected !!