Connect with us

Entertainment

“Happy for her”: PBA Superstar na si James Yap, Masaya Para Sa Kanyang Ex-wife na si Kris Aquino Sa Engagement Nito Kay Former DILG Secretary Mel Sarmiento

Sa paglabas ng balitang engaged na ang tinaguriang Queen of Media ng showbiz na si Kris Aquino sa kanyang boyfriend na si former DILG Secretary Mel Sarmiento, ay marami ang talagang natuwa para sa magkasintahan.

Nito lamang araw ng Linggo, ika-24 ng Oktubre nang ianunsiyo ni Kris sa kanyang Instagram ang magandang balita kalakip ang video kasama ang kanyang boyfriend na si Mel. Masisilayan sa nasabing video ang maraming heart-shaped pink bouquet flowers na nagsisimbolo ng isang masayang pagdiriwang sa loob ng kanilang tahanan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by KRIS AQUINO (@krisaquino)

Dahil sa pag-anunsiyo ni Kris ng kanilang engagement, ay bumuhos ang komento ng pagbati mula sa mga netizens at ilang celebrities sa showbiz, na kung saan nga ay masaya para kay Kris dahil muli nitong natagpuan ang inaasam na kaligayahan ng puso.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by KRIS AQUINO (@krisaquino)

 

View this post on Instagram

 

A post shared by KRIS AQUINO (@krisaquino)

Samantala, hindi lamang nga netizens at mga kaibigan sa showbiz ang natuwa para kay Kris, kundi pati na rin ang kanyang dating asawa na si James Yap. At kamakailan lamang nga, ay nakuha ng Pep.ph ang reaksyon ng PBA superstar kaugnay sa engagement ng ex-wife nito kay former DILG Secretary Mel Sarmiento. Sa pamamagitan ng isang direct message na pinadala ng Pep.ph sa Instagram ni James, ay nakuha ang positibong reaksyon ng basketbolista.

Isang simple at maikling sagot ang naging tugon ni James bilang kanyang reaksyon sa engagement nina Kris at Mel.

“Happy for her”, saad ni James na sinamahan pa ng three thumbs up emojis.

Ang fiancee ngayon ni Kris Aquino si Mel Sarmiento ay nanungkulang bilang DILG Secretary noong termino ng yumaong kapatid ng aktres at dating President Benigno “Noynoy” Aquino III noong September 2015 hanggang June 2016.

Samantala, matapos ang paghihiwalay nina James at Kris noon, ngayon nga ay masaya na rin sa buhay si James sa piling ng kanyang partner na si Michela Cazzola. Ang kanilang matamis na pagmamahalan at masayang pagsasama ay biniyayaan ng dalawang anak, sina Michael James at Francesca Michelle.

Ang masayang pag-iibigan nina Kris at James noon matapos magkakilala noong February 2005, ay nauwi sa pag-iisang dibdib limang buwan lamang ang nakalipas nang sila’y magkakilala noong July 2005. Ang kanilang simpleng kasal ay ginanap sa bahay ng kaibigan ni Kris na si Boy Abunda sa Quezon city sa pamamagitan ng isang pribadong seremonya.

Hindi naman nagtagal ang pagsasama ng dalawa ay nauwi sa hiwalayan noong 2010 dahil diumano sa pangbabae ni James na mariing itinanggi nito. Ngunit, sa huli nga ay nahalungkat pa ang kanilang prenup agreement, kaya naman humantong sa pagsasampa ng annulment of marriage, at humantong sa settlement ang kanilang relasyon. Noong January 9, 2012, ay opisyal na napawalang bisa ng korte ang kanilang kasal.

Ang kanilang pagsasama ay nagbunga ng isang anak, si Bimby na ngayon ay 14 taong gulang na.

error: Content is protected !!