Connect with us

Entertainment

Happy Family Photo Ng Mag-asawang Kaye Abad at Paul Jake Castillo Kasama ang Kanilang Dalawang Anak, Kinagiliwan ng mga Netizens

Isa sa mga tinitingala at hinahangaan sa mundo ng showbiz ay ang aktres na si Kaye Abad. Magmula pa noon ay talagang kinabiliban na ng maraming mga manonood ang husay at galing ni Kaye sa pag-arte. Nagsimula ang kanyang acting career noong siya ay teenager palang, hanggang sa maging ganap na dalaga at magkaroon nga ng kanyang sariling pamilya ay kilala pa rin ng publiko si Kaye bilang isang mahusay na artista.

CREDITS: Kaye Abad| IG

Sa kasalukuyan ay mayroon na ngang sariling pamilya ang iniidolong aktres na si Kaye Abad, ito ay matapos niyang ikasal sa kanyang best friend na si Paul Jake Castillo at sila ay mayroon na ring dalawang anak.

Hindi lamang nga isang mahusay na aktres si Kaye, dahil isa rin siyang mabuti at mapagmahal na asawa at ina. Makikita sa aktres ang pagiging isa niyang ideal wife at ideal mother, na papangarapin ng kahit na sino man ngang lalaki. Ang isa ngang Kaye Abad ay tunay na kahanga-hanga, dahil siya ay maalaga, mapagmahal at talaga namang maaruga.

CREDITS: Kaye Abad| IG

Samantala, sa latest post ni Kaye ay makikita ang masayang larawan nila ng kanyang pamilya, kung saan dito nga ay kumpleto sila. Kasama niya ang kanyang mister na si Paul Jake at ang dalawa nilang anak na sina Joaquin at Inigo. Ito din ang kauna-unahang larawan na ibinahagi ni Kaye na kasama nga nila ang bunsong anak.

CREDITS: Kaye Abad| IG

“Finally! A family photo with Iňigo #forrichjerorpoorjer”, ang naging caption ni Kaye sa naturang larawan.

Kitang-kita nga sa larawan na ito ng pamilya kung gaano sila kasaya. Mapapansin din na sa kabila ng dalawa na ang anak ng aktres, ay hindi pa rin kumukupas ang taglay nitong kagandahan, at mas lalo pa nga itong gumaganda dahil na rin nga ito sa pagkakaroon niya ng isang masaya at puno ng pagmamahal na pamilya.
What a glam naman talaga dahil bagay na bagay nga sa pamilya ang suot nilang kasuotan na ayon sa ulat ay disenyo ng designer na si Antony Ramirez.

CREDITS: Kaye Abad| IG

Tunay namang wala na talagang mahihiling pa si Kaye sa kanyang buhay, dahil nakamit na niya ang pinapangarap ng maraming kababaihan, ang magkaroon ng pamilyang puno ng saya at pagmamahal, sa tulong din ng kanyang katuwang na si Paul Jake.
Umani naman ng positibong komento mula sa mga netizens ang napakagandang larawan na ito ng pamilya. Narito nga ang ilan sa mga komento ng mga netizens.

“Very precious family picture [emoji] God bless you all always”
“Great picture! GOD BLESS your family! Stay humble and kind idol [emoji]”
“So, sweet and happy family and God bless you always both of you.”
“Wonderful family pictures… GOD bless your family always. Kaye Abad still pretty pa din talaga, baby face talaga..”

error: Content is protected !!