Connect with us

Entertainment

“Happy birthday to this super woman powerhouse…” Solenn Heussaff, May Sweet Greetings sa Sis-In-Law Niyang si Anne Curtis sa Ika-37 Taong Gulang Nitong Kaarawan

Kabilang sa mga hinahangaan sa taglay na kagandahan, kaseksihan at maging sa pagiging isang ina sa kanilang mga anak, ay sina Anne Curtis at Solenn Heussaff. Kung noon ay matalik na magkaibigan lamang ang dalawa, ngayon nga ay mas naging malapit pa sila sa isa’t isa dahil sa naging sis-in-law na ni Solenn si Anne ng ito ay ikasal sa kanyang kapatid na si Erwan Heussaff.

Photo Credits: Anne Curtis |IG

Kaya naman sa pagdiriwang ng ika-37 taong kaarawan ng Kapamilya actress na si Anne Curtis, ay isang ‘sweet greetings’ ang ipinaabot ni Solenn para sa kanyang sis-in-law. Makikita nga ito sa Instagram post ni Solenn nito lamang araw ng Huwebes, ika-17 ng Pebrero taon ng kasalukuyan.

“Happy birthday to this super woman powerhouse, multitalented, high pitched energy, smart and thheeee liiiissst goooees on down-to-earth person. Thank you for being a great sister (though we have zero new photos together after spending 2 months in Europe), an amazing second mom to Tili, a great wife that keeps her calm with my sometimes intense bro, a cute daughter-in-law to my parents and perfect Plus to lonely Nico”, ani Solenn.

Photo Credits: Anne Curtis |IG

Sa kanyang sweet greetings para sa 37-taong gulang ng si Anne, ay inihayag ni Solenn ang kanyang pasasalamat sa kanyang sis-in-law, dahil sa mga katangian nito na talaga kahanga-hanga, hindi lang sa pagiging isang personalidad na hinahangaan at minamahal ng lahat, kundi mas lalo na sa pagiging mabuti at mapagmahal nito sa bawat miyembro ng kanyang pamilya.

Photo Credits: Solenn Heussaff| IG

Dagdag na pahayag pa ni Solenn, sa bawat taon ngang lumilipas ay mas lalo pang nagiging isang ‘better person’ ang sis-in-law niyang si Anne. Saad pa niya, masaya siya na maging parte si Anne ng kanilang fambam, sa kabila ng hindi ito madalas na nagre-reply.

“Happy to have you in our fambam even if you don’t always reply. Every year you are a better version of yourself and I am looking forward to be a witness! Enjoy zeee birthday today!”, saad pa nga ni Solenn.

Mababasa naman sa comment section ng post na ito ni Solenn ang naging kasagutan ni Anne, kung saan ay nagpasalamat nga ang Kapamilya actress sa sweet greetings nito sa kanya.

“Love you Sos!!! Thank you! Good Mowning as our girls like to say!”, ang kasagutan nga ni Anne sa naging pagbati sa kanya ng kapatid ng kanyang mister.

Photo Credits: Jasmine Smith| IG

Hindi lamang nga si Solenn ang nagpaabot ng matamis na mensahe para kay Anne, dahil maging ang kapatid nga nito na si Jasmine Curtis-Smith ay nagpaabot rin ng pagbati sa Kapamilya actress.
Samantala, sa Instagram account naman ni Anne Curtis noong araw ng kanyang kaarawan ay nagbahagi siya ng kumpol ng mga larawan kung saan ay kanya ngang ibinida ang kanyang Audrey Hepburn-inspired photoshoot, kung saan ay nakasama niya rin sa ilang mga larawan ang anak niyang si Dahlia.

Photo Credits: Anne Curtis| IG

Kalakip nga ng mga larawan na ibinahagi ni Anne, ay kanyang caption na “Waking up happy and very, very grateful. Today is going to be a beautiful day.”

Photo Credits: Anne Curtis| IG

Agad namang bumuhos sa ‘comment section’ ng IG post na ito ni Anne, ang napakaraming birthday greetings para sa kanya mula sa mga katrabaho, kaibigan at kasamahan niya sa showbiz. Ilan nga sa mga nagpahayag ng kanilang pagbati ay sina Kim Chiu, Dimples Romana, Raymond Gutierrez, Isabelle Daza, Angelica Panganiban, Liz Uy, Georgina Wilson at marami pang iba.

error: Content is protected !!