Connect with us

Entertainment

‘Happy birthday to my forever love’: Ivana Alawi, Ibinahagi ang Simple Ngunit Masayang Pagdiriwang ng 17th Birthday ni Mona sa Kanilang Tahanan

Ang sikat vlogger at aktres na si Ivana Alawi ay talaga namang napakaraming tagahanga ang nagmamahal at sumusuporta. Patunay na nga rito ang 13.7 Million subscribers niya sa kanyang YouTube channel magmula nang simulan niya noong 2019.

Credits: Mona Alawi | IG

Hinahangaan rin ng marami ang pagiging isang mapagmahal na anak at kapatid ni Ivana. At kamakailan lamang nga, sa pagdiriwang ng ika-17th birthday ng kanyang kapatid na si Mona ay muli niya ipinakita ang pagiging isang mabuti at mapagmahal na kapatid.

Sa kanyang vlog na ibinahagi sa kanyang Youtube channel nito lamang ika-23 ng Agosto, apat na araw magmula ng ipagdiwang ni Mona ang kanyang ika-17 taong kaarawan noong ika-19 ng Agosto, ay ipinasilip niya ang simple ngunit masayang selebrasyon ng kanilang pamilya para sa birthday ni Mona na ginanap sa kanilang tahanan.

Credits: Ivana Alawi | YT

Maliban sa vlog ni Ivana, ay ibinahagi rin niya ang isang larawan kung saan kasama niya si Mona habang nakasuot sila ng twinning tshirt. Ang napakagandang larawan nilang magkapatid ay nilakipan naman niya ng caption na:

“Happy birthday to my forever love, best friend, videographer, editor, prankerista, bebegirl, strong, tech expert and best sister”

Sa video na naglalaman ng 25 minuto, ay makikita nga ang napakasimpleng selebrasyon ng kaarawan ni Mona na ginanap sa loob ng kanilang tahanan. Ayon naman kay Ivana, ay kinausap raw siya ni Mona na wag ng magkaroon ng bonggang selebrasyon para hindi gumastos ng malaki. At ang pera nga na gagastusin sa handa, ay ipapamahagi na lamang nila sa mga netizens.

Credits: Ivana Alawi | YT

“Nag-prepare kami ng very, very simple celebration at isasama namin kayo kung saan nag-celebrate ang 17th birthday niya. Alam niyo naman na ECQ ngayon so hindi kami makalabas pero ang gagawin namin is mag-se-celebrate na lang kami ng very simple at also guys, kinausap ako ni Mona last week. Inupo niya ako sa upuan at ito yung nangyari. Sabi niya, ‘Ate huwag kang gagastos.’ Ayaw niyang gumastos. Mas gusto niya ipamigay ulit sa inyo kesa igastos namin. Bumili ako ng balloon, yung flower set-up, ayaw niya ng ganun so sabi ko okay behave ako today. So we’ll just hold a simple celebration.”

Maliban naman sa kahilingan ni Mona na simpleng handa kung saan ay magkaroon ng salo-salo sa lunch, ay hindi naman nagawang tuparin ni Ivana ang lahat ng kahilingan ni Mona. Sa kabila ng pakiusapni Mona na huwag siyang ibili ng regalo, ay may inihanda paring birthday gifts sina Ivana at kanyang pamilya para mapasaya ang kanyang kapatid.

Credits: Ivana Alawi | YT

“Naghanda kami ng food and ng mga gifts niya. Ayaw din niya actually niya magpabili ng gift kasi pag tinatanong ko siya kung anong gusto mo. Pero as a strong girl dapat deserve niya talaga na mabalik man sa kanyang kaarawan ang konti sa mga pasaya niya sa akin at sa pamilya namin at sa pagpapasaya din sa inyo. Kasi alam niyo naman yun, prankster tapos matalino sa mga gadget. So she’s my baby girl and she will always be our baby girl. Si Mona ang request niya ngayong birthday niya pare parehas buhok namin kaso yung kuya hindi mai-perm eh yun lang.”

Maliban nga sa natanggap na gaming console, ay nakatanggap rin si Mona mula sa kanyang pamilya ng baking mixer at isang high end fan para sa kanyang kwarto. At ang wish list ni Mona na ito para sa kanyang birthday ay nalaman ni Ivana bago sumapit ang araw ng birthday ng kanyang kapatid.

Credits: Ivana Alawi | YT

Sa nasabing vlog rin, ay ibinunyag ni Ivana na noong bata siya ay ayaw niyang mag-debut dahil walang pupunta. Ang kaarawan kasi ni Ivana, ay mismong pagdiriwang rin ng araw ng Pasko.

“Actually ako nung bata ako ang gusto ko talaga ayoko mag-debut kasi nga wala ako ma-invite lalo na pasko ang birthday ko alam ko walang pupunta. Pero yung mama ko pinilit niya ako mag-debut so meron akong picture.”

Samantala, ipinaabot naman ni Ivana ang kanyang sweet na pagbati sa kanyang kapatid kung saan nga mababasa ang kanyang birthday wish at paalala para sa magiging manliligaw ni Mona.

“I wish you happiness and I wish you all the love and I wish you all the success in life. I wish that all your dreams will come true. Sana lahat ng dream mo magkatotoo. Wish ko din magkaroon ka rin ng boyfriend na magmamahal sa ‘yo. Sana hindi mapunta sa ‘yo ang sumpa ng Alawi family (laughs). Huwag kayo loloko loko talaga sa kanya kasi ako makakalaban ninyo. Huwag niyo kakalimutan yun ah.”

error: Content is protected !!