Connect with us

Entertainment

Happily Inlove: Dawn Chang Ng Girltrends, Makulay Ang Buhay Pag-ibig Sa Piling Ng Aktor Na si Justin Cuyugan

Published

on

Talaga nga namang pagdating sa buhay ng mga iniidolo nating artista, hindi tayo nagpapahuli sa mga kaganapan sa buhay nila. Dahil lahat ng bagay na may kinalaman sa buhay nila ay ating sinisiyasat at inaalam, kahit pa ito’y tungkol sa fashion, travel at mga bagay na kinahihiligan nila. Ngunit, ang natatanging bagay na talagang pumupukaw ng ating pansin ay ang kanilang buhay pag-ibig.




At pagdating nga sa kanilang love life ay talagang nananabik tayo kung sino ang taong nakatakda para sa ating iniidolo. Hindi rin matatawaran ang ating pagsuporta sa kanilang buhay pag-ibig, kung saan ang kaligayahan nila ay kaligayahan rin natin at kung makaranas naman sila ng kasawian ay siya ring nagdudulot sa ating ng kalungkutan.

Ngunit, kapag ang iinidolo nating artista ay natagpuan ang tunay na pag-ibig sa taong nakatadhana sa kanya, ay labis ang kilig at kaligayahang nadarama nating mga tagahanga.

Hindi nga matatawaran ang sayang hatid sa mga tagahanga ng Girltrends member ng It’s Showtime na si Dawn Chang sa pagkakaroon niya ng masaya at makulay na buhay pag-ibig sa piling ng aktor na si Justin Cuyugan. Noong Enero 2018, kinumpirma ng dalawa ang kanilang relasyon at hindi naman maitatanggi na masaya sila sa isa’t isa.

Ang kanilang mga larawan ay naging usap-usapan ng mga netizens sa social media at maraming katanungan ang pinupukol sa kanila. Ngunit, nang makapanayam si Dawn ni DJ Jhaiho sa online program nitong “Hotspot”, hindi naman nag-alinlangan si Dawn na aminin ang kanilang relasyon at sinabi na wala nang dapat pang itagong sekreto.




“Well, I guess, sa buong relationship naman ng dalawang tao, it’s always gonna be, ‘you get to know each other every day.’ But, yeah, I guess it’s safe for me to say that we’re together,” paliwanag niya.

At nang tanungin naman siya kung ano ang pinakagusto niya sa kanyang boyfriend, agad niya naman itong sinagot ng:

“Puwede mo siyang kausapin ng about anything with no judgment. Siya yung taong napakasarap kausap at sobrang maintindihin.”




Tunay nga na natagpuan na ni Dawn ang kanyang tunay na pag-ibig sa katauhan ni Justin Cuyugan na hindi maitatanggi ang hatid na saya at kaligayahan sa buhay niya. Kasabay rin nito, bumubuhos naman ang mga proyekto sa kanyang karera sa industriya ng showbiz. Talaga nga namang, hindi lamang buhay pag-ibig ang makulay kay Dawn kundi maging ang kanyang karera ay patuloy rin sa pag-arangkada.

error: Content is protected !!