Connect with us

Stories

“Halos 15 Taon din na Hindi Nagkita” Lorin at Venice Binisita ang Kanilang Ama na si Yilmaz Bektas sa Turkey

Kamakailan lang ay masayang ibinahagi ng aktres na si Ruffa Gutierrez na lumipad sakay ng erplano ang kanyang dalawang anak na si Venice at Lorin patungong Istanbul Turkey.

Ayon sa aktres halos 15 taon hindi nagkita ang mag-aama, kaya super excited ang mga ito sa kanilang travel na ito.

Photo credits: Ruffa Gutierrez | IG

Sa ibinahaging instagram post ng dating beauty queen na si Ruffa Gutierrez sa kanyang instagram account, mapapanood ang isang maikling video clip kung saan vinevideohan ang dating niyang asawa na si Yilmaz Bektas habang naglalakad patungo sa dalawa nitong anak.

Photo credits: Ruffa Gutierrez | IG

Labis naman ang pagyakap ng ama sa dalawa ng magkita ang mga ito na mahigit isang dekada na hindi nagkita. Sa video post ni Ruffa Gutierrez sa kanyang instagram account ibinahagi nito ang mga caption na,

“The greatest love story of all time is between a father and his daughters. ❤️ A beautiful and heartwarming reunion after 15 years of being apart. 🇹🇷 #NewBeginnings #TogetherAgain #Yilmaz #Ilknaz #Lorin #Venice”

Hinangaan naman ng mga netizens si Ruffa dahil daw pinayagan nito ang kanyang mga anak na bisitahin ang amang nawalay sakanila ng halos 15 taon dahil narin sa mga mapait na nakaraan nila. Ilan sa mga nagbigay ng kumento ay sila, jackie foster na nagsabing,

“I can’t with this 😢 thank you so much to Ilmas also, you can all begin to heal 💝 God is good!”

Sabi naman ng isang netizen na si crazy_cris123,

“Ang sarap mabuhay ng walang kaaway.. apaka peaceful. Masarap ang tulog at tunay na kasiyahan ang madarama..”

Isa pa sa mga nagbigay ng kumento ay ang asawa ni Senator Manny Pacquiao na si Jinkee Pacquiao kung saan sinabi nitong

“😢😭♥️♥️🙏 God is good all the time! ♥️”

Halos 10 taon narin ang nakalipas ng ma-anull ang kasal ni Yilmaz at Ruffa matapos kumalat ang balitang sinasaktan umano ni Yimaz ang aktres. Taong 2007 ng ibunyag ni Ruffa Gutierrez ang mga mapait na karanasan sa kamay ng kanyang asawa.

Ngayon ay may kanya kanya na silang buhay at nagsisimula narin magkapatawaran para narin sa kapakanan ng kanilang dalawang anak.

error: Content is protected !!