Connect with us

Entertainment

Gwen Zamora-Semerad, Ibinahagi Ang Masayang Buhay Sa Probinsya Kapiling Ang Kanyang Pamilya

Ang Filipina-French model-actress na si Gwen Zamora ay masayang-masaya ngayon sa kanyang simpleng buhay kapiling ang kanyang asawang si David Semerad at kanilang anak na si Cooper.

Ang napakagandang aktres na si Gwen ay dating napapanood sa programa ng GMA network na Bubble Gang upang magbigay saya sa mga manonood. At dito nga ay nakasama niya si Sam Pinto na asawa naman ngayon ng kakambal ng kanyang mister, si Anthony Semerad. Sa ngayon ay pareho nang nilisan nina Gwen at Sam ang mundo ng pag-arte upang pagtuunan na lamang ng pansin ang maging ilaw ng kanilang tahanan.

Tila wala namang pinagsisihan si Gwen sa kanyang pasya na tuluyang iwan ang mundo ng showbiz, dahil ngayon nga ay makikita kung gaano kasaya at kakulay ang kanyang buhay kasama ang kanyang pamilya.

At ngayon nga, ay masayang-masaya si Gwen na naninirahan sa probinsya kasama ang asawang basketball player sa si David at kanilang anak na si Cooper. Nagpatayo ng isang modern bahay kubo ang mag-asawang David at Gwen sa kanilang farm sa Batangas para magsilbi nilang tahanan.

Ngayong panahon ng pandemya, ay kapakanan at kalusugan ng ating pamilya ang pinakaimportante higit sa anumang bagay. Kaya naman, ang mag-asawang David at Gwen ay nagpasya na sa probinsiya ng Batangas manirahan. Ayon nga sa mag-asawa, ay pinili nilang sa probinsya manirahan dahil less crowded umano dito, kumpara sa condo nila sa Manila kung saan dati nilang tinutuluyan.

Dagdag pa nga ng mag-asawa, ay mahirap manirahan ngayon sa syudad lalo na’t laganap ang nakakahawang sakit. At para nga makaiwas at para na rin sa kaligtasan ng kanilang anak na si Cooper ay nagpasya silang sa Batangas manirahan.

“The first thing that came to mind was we needed to kind of escape to a safe haven especially because back in Manila, we were staying in a c𝔬ndo unit which was more risky especially with the virs. That was the main reason why we chose to go to the farm,”kwento ni Gwen sa kanyang vlog.

Pareho namang desisyon ni Gwen at David ang manirahan sa Batangas, at ayon sa mag-asawa ay hindi naman raw sila nahirapang mag-adjust dahil madalas na rin silang bumisita dito dati tuwing weekend.

“It was super easy to adjust because we would always go there every weekend. So we always kind of missed it and always wanted to go back.”

Makikita naman na masaya talaga ang aktres sa simpleng buhay na meron sila sa probinsiya. At ayon pa nga kay Gwen ay talagang napakasarap sa pakiramdam ang manirahan sa probinsiya.

“Kasi when we lived in a city and we would go back every weekend, parang bitin palagi but once we got to fully immerse ourselves for five months over there, super sar𝔞p talaga ng feeling.”

Pag-amin naman ni Gwen, kahit na lumaki siya sa syudad at masasabi nga na isang city girl, ay madalas rin daw niyang bisitahin ang kanyang mga kamag-anak sa probinsya.

Pagbabahagi naman ni Gwen, dahil nga pareho silang half-Filipinona lumaki sa ibang bayan, ay nais nilang mag-asawa ng kakaiba mula sa kanilang kinalakihan. Kaya naman, ang napili nilang gawing bahay kung saan sila magiging komportable ay isang kubo.

“Both being half-Filipinos, we wanted something different from what we’ve grown up with. A true taste of the Philippines. A kubos was a deal for giving us cabin feel and a true blend with a nature of our surrounding.”

error: Content is protected !!