Connect with us

Entertainment

Gwapong Larawan Ni Mavy Legaspi Habang Naka-spiderman Costume, Hinangaan Ng Mga Netizens

Pinagkaguluhan at kinaaliwan kamakailan ng mga netizens ang gwapong larawan ng isa sa anak nina Carmina Villaroel at Zoren Legaspi na si Mavy Legaspi. Ito nga ay matapos ibahagi ni Mavy ang pag-recreate niya ng kanyang larawan noong bata pa lamang siya habang nakasuot ng spiderman costume

Photo credits to the owner

Ang nasabing larawan ay para sa pagdiriwang ng kanyang ika-21st birthday nito lamang ika-6 ng Enero 2022. Makikita sa isang larawan ang batang Mavy na cute na cute suot ang kanyang spiderman costume. Sa isa namang larawan ay makikita ang gwapong si Mavy na ngayon nga ay binata na habang suot ang kanyang spiderman costume.

Nilakipan naman niya ito ng caption na,“21, happier, stronger, more determined and still in my spidey suit.”

Ang caption ng kanyang post ay tila nga nagsasabing, mas masaya at mas malakas na siya ngayong humarap sa anumang hamon ng buhay. At hindi naman nga ito maitatanggi dahil binata na at kaya na ngang tumayo sa kanyang sarili ni Mavy gaya ng superhero na si Spiderman.

Photo credits to the owner

Agad namang inulan ng komento ng pagbati para sa kanyang kaarawan ang post ng akto. Hindi nawala sa comment section ng kanyang post ang mga komento na puno ng paghanga sa taglay niyang kagwapuhan. Nakakatuwang pagmasdan ang mga larawang ibinahagi ni Mavy, kung noong siya’y maliit na bata pa lamang cute na cute, ngayon nga ay talagang masisilayan na lumaki siyang napakagwapong binata.

Photo credits to the owner

Patok na patok nga ngayon ang pagsusuot ng Spiderman costume dahil ang pinakainaabangan ng mga Marvel fans na bagong labas na pelikulang pinamagatang “Spiderman No Way Home”, ay napanood na nga noong ika-8 ng Enero. Kaya naman, ang aktor na si Mavy ay hindi rin nagpahuli na ipamalas ang kanyang taglay na kagwapuhan suot ang kanyang Spiderman costume.

Photo credits to the owner

Maliban naman sa larawang ibinahagi ni Mavy sa pag-recreate ng kanyang larawan noong bata pa lamang siya habang naka-spiderman costume, ay nagkaroon rin siya ng birthday photoshoot kasama ang kanyang girlfriend na si Kyline Alcantara. Sa nasabing photoshoot, ay naghatid ng kilig sa kanilang mga fans ang dalawa matapos maging Peter Parker ni Mavy suot ang spiderman costume, at Mary Jane naman ang awrahan ni Kyline.

Photo credits to the owner

Nilakipan naman ito ni Mavy ng sweet caption na nagsasabing,“You be the Mary Jane, I’ll be your Peter Parker.”

Mas lalo namang kinilig ang MavLine fans sa ibinahaging larawan ni Kyline kung saan nilakipan niya ng caption na “Found my spidey”.

Sa mga larawan ay makikita nga ang nag-uumapaw na kasweetan nina Mavy at Kyline sa isa’t isa. At hindi naman talaga maikakaila na bagay na bagay sila sa isa’t isa.

error: Content is protected !!