Gwapong Aktor Na Si Xian Lim Ginulat Ang Nobyang Si Kim Chiu Ng Isang ‘Bonquet’ Ng Pink Roses Sa Dis-Oras Ng Gabi

Tayong mga Pilipino ay kilalang malambing at mahilig ipakita ang ating nadarama sa ating mga minamahal. Marahil ay namana pa natin ito sa ating mga ninuno na silang nag-umpisa ng ‘old school’ na paninilbihan katulad ng pag-iigib ng tubig maging ang pagsisibak ng kahoy gayundin ang pagbibigay ng bulaklak at ang nakakakilig na harana.



Hindi na nakakapagtaka ng gulatin ng Kapamilya Aktor na si Alexander Xian Cruz Lim-Uy ang aktres na si Kim Chiu upang bigyan na bungkos ng bulaklak ang magandang kasintahan.

Photo credits: chinitaprincess | Instagram  

Ibinahagi ng Kapamillya Aktres sa kanyang Instagram account na hindi niya inaasahan na magpupunta ang kasintahan at ang nakakagulat pa ay may dala-dala itong bungkos ng pink na rosas. Ayon pa sa PBB Teen Edition Season One Winner talagang nabigla siya sa biglang pagdalaw ng gwapong kasintahan dahil medyo malalim na rin ang gabi ng pumunta ito.

Photo credits: chinitaprincess | Instagram

Sa nasabing post, inamin ni Kim na pangkaraniwan lang naman ang gabing yun para sa kanya, ginagawa ang kanyang routine na pampering bago matulog, “One of those rare nights when you decided to put on a super heavy moisturizer plus full on night cream, serum and many more on my face”, “Then suddenly this guy pops on my door step with a huge (bonquet of flowers) with no occasion”, share pa ng aktes sa naturang post.



Sa kabilang banda, tuwang-tuwa ang mga netizen sa pagbibigay ng bulaklak ng “Bakit Hindi Ka Crush ng Crush Mo” aktor kahit wala naman talagang espesyal na okasyon , ilang mga tagahanga nga ang hindi maiwasang nagpapaabot ng suporta para sa loving couple “Haba ng hair ni Kim – You are so lucky for having Xian in your life. Sobrang mahal ka niya”, “So sweet of Xian! During wee hours, you visited and gave a bouquet of pink roses to our chinitaprincess”.

Photo credits: chinitaprincess | Instagram

Hindi naman lingid sa mga netizen ang pagiging sweet ni Xian sa kanyang real life girlfriend, dahil maraming pagkakataon ng binigyan ng “Must Date the Playboy” actor ang kasintahan ng bulaklak. Katulad na lang ng isang Valentines Day na niregaluhan niya ng hugis pusong bulaklak ang kasintahan at maging noong ika-26 na kaarawan ng dalaga kung saan binigyan din niya ito ng bouquet na bulaklak at isang kakaibang cake na nagpa-wow sa mga netizen.

Photo credits: chinitaprincess | Instagram

Talagang masasabing mapalad ang “My Binondo Girl” loving couple sa itinatakbo ng kanilang relasyon. At labis labis ang pasasalamat ni Kim sa kasintahan sa effort nito kahit na ang isang karaniwang araw ay nagagawa niyang espesyal sa kakaiba niyang pagpapadama ng kanyang pagmamahal.