Connect with us

Entertainment

“Gwapo pa din”: Pambahay OOTD ng Aktor na si Paulo Avelino, Kinagiliwan ng Netizens

Ang gwapong aktor na si Paulo Avelino ay nagsimulang sumikat sa industriya ng showbiz matapos maging kalahok ng reality talent show ng GMA Network na StarStruck noong taong 2006. Magmula nga noon, ay talagang nagsunod-sunod ang mga proyekto sa karera ni Paulo dahilan nga upang mas makilala siya ng publiko at sumikat.

Credits: Paulo Avelino | Photos

Samantala, hindi naman maikakaila na bukod sa kanyang husay sa pag-arte, ay taglay rin ni Paulo ang pagiging isang magandang lalaki. Sa kanyang tikas at tindig nga na sadyang napakagwapo ay walang duda na isa siya sa pinapangarap at kinakikiligan ng maraming kababaihan. Napakalakas naman talaga ng dating ni Paulo, lalo na nga kapag sinamahan pa niya ito ng kanyang pang malakasang porma.

Nasaksihan na ng mga fans ni Paulo ang kanyang taglay na kagwapuhan sa mga pelikula at teleserye. At masasabi nga na talagang napakalakas ng kanyang dating. Ngunit, kamakailan lamang nga ay pinabilib ni Paulo ang mga netizens matapos niyang ibahagi sa Twitter ang kanyang pambahay OOTD. Ang nakasanayan ng lahat bilang mapormang Paulo, ay ibang-iba sa Paulo na nakasuot ng pambahay.

Credits: Paulo Avelino | Photos

Sa kabila ng suot na pambahay outfit ni Paulo ay marami parin ang pinahanga at pinabilib ng aktor sa kanyang taglay na kagwapuhan. Makikita sa larawan na ibinahagi ni Paulo sa Twitter na napakasimple niya sa kanyang suot. Isang oversized tshirt ang suot-suot ng aktor ngunit hindi ito tulad ng oversized tshirt na nauusong pamporma ngayon. Kapansin-pansin rin na maging ang suot na pambahay na short ni Paulo ay lumagpas na sa kanyang tuhod. Makikita rin na walang suot na tsinelas si Paulo. Ngunit sa kabila nito, ay kitang-kita parin ang taglay na kagwapuhan ng aktor.

Credits: Paulo Avelino | Twitter

“@Ganito talaga ako pumorma,” caption niya sa Twitter post.

At kung pagmamasdan ay mistulang isang pulubi si Paulo sa kanyang suot na pambahay. Ngunit sa kabila ng hitsura ng aktor sa suot na pambahay, ay dinagsa parin siya ng komento ng papuri at paghanga mula sa mga netizens.

“kapag ikaw yung pulubi sa amin iuuwi kita”

“kahit naman anong suot mo ikaw pa rin ang mahal ko”

“Parang sa fan girl lang”

“Parang si aki talaga”

“Okay lang Paulo! Tanggap kita!”

“Sana all gwapo pa din tignan kahit mukhang “pulubi” ang damit!”

Credits: Paulo Avelino | Photos

Hindi naman maitatanggi na proud na proud si Paulo sa kanyang pambahay OOTD na kahit magmukha siyang pulubi ay makikitang komportable naman siya sa kanyang suot. Patunay lamang nga nito, na kapag nasa bahay ang aktor ay mas nais niyang magsuot ng damit na magbibigay sa kanya ng ginhawa at kapanatagan. Marami rin sa atin ang tulad ni Paulo na simple lang ang suot kapag nasa loob ng bahay.

error: Content is protected !!