‘Gusto Ko Lang Maging Responsable’: Matapang Na Sagot Ng Aktres Na Si Iza Calzado Kung Bakit Wala Pang Planong Magka-anak

Tunay na isang malaking hamon sa isang babae ang pagkakaroon ng anak. Dahil bukod pa sa mga personal na pangangailangan ng isang sanggol masasabing dapat ihanda ng isang ina ang sarili sa kaakibat na mabigat na responsibilidad sa pagkakaroon ng anak.

Samantala, ng tanungin ang aktres na si Maria Izadora Ussher Calzado-Wintle na mas kilala natin bilang ‘Iza Calzado’ kung bakit wala pa silang anak ng asawang si Ben Wintle at kung may plano na silang magka-anak ay inamin niyang hindi pa iyon posible sa kasalukuyan.



Sa isang panayam sa kanya ay ipinaliwanag niya ang personal na dahilan kung bakit hindi pa kasama sa plano ang pagbubuntis,

“Kasi napakatagal po nung hinintay kong –finally daw ay mag-istart ng pelikula sa Star Cinema, Saka hindi pa rin naman ako ganun ka-ready.." pahayag pa ng “Encantadia” actress.

Dahil nga sa maraming alok na proyekto sa 37 na taong gulang na aktres sa parating na 2020 kung saan dalawang pelikula ang nakapila na kanyang pagkakaabalahan at bukod pa ang isang teleserye na pagbibidahan,

“Hindi pa pwedeng magbuntis kasi. Definitely I have two movies and a series that I’m going to do”, paliwanag pa niya sa isang panayam.

Sa kabilang banda, thankful naman siya sa asawa dahil naiintindihan siya nito at willing itong maghintay para sa inaasam nilang anak. Samantala masasabing mapalad si Iza mga pamilya ni Ben dahil maging sila ay hindi pa pinipilit ang aktres patungkol sa pagkakaroon nila ng anak na mag-asawa,

“Buti na lang yung mga in-laws ko hindi pa ako pine-pressure. Pero once siyempre my husband is like, ‘When is it going to happen?”, ayon pa sa Kapamilya aktres.



Masasabing sa ngayon ay prayoridad ng “A Love to Last” aktres ang kanyang trabaho at ayon pa sa kanya gusto lang niya maging professional at ayaw niyang maging abala sa pag-usad ng mga kasalukuyang proyekto,

“Kasi sa akin, ang iniisip ko lagi is, it’s money for production and it’s time, so I don’t want to be irresponsible and get pregnant midway, especially pag marami nang na-shoot. Ayoko ng nagbibigay ng sakit ng ulo”.

Samantala, hindi naman sinasarhan ng pinto ng magandang aktres ang pagkakaroon ng anak ang iniisip niya lang ay ang responsibilidad na kaakibat nito lalo na sa katulad niyang abala sa kanyang trabaho. At ayon pa kay Iza kung dumating man ang pagkakataon na mabiyayaan sila ng anak ay magagawa niyang tumigil pansamantala sa pag-arte,

“Of course, this is God’s blessing and people will say na ‘Bakit mo tatanggihan ang grasya ng Panginoon?’ Hindi ko ho tinatanggihan. Gusto ko lang maging responsable. Dahil pag may ipinagkatiwala sa iyo and you sign up for it, you do whatever it takes for you to deliver. That’s how I am with work. That is also how I will be with motherhood –When I commit to it, I will do my very best to deliver one hundred percent. And if by doing so I need to take a break from acting, then I will”, matapang na sagot ng aktres.



Sa kabilang banda madami ng nag-iisip kung anu ang magiging itsura ng magiging anak nila Iza Calzado at Ben Wistle na talaga namang hindi maitatanggi na parehong biniyayaan ng magandang mukha.