Connect with us

Inspiring

Graduate Na sa Wakas! Ang Isang Ama na Buong Sipag na Pinagsabay ang Pagli-Laborer sa Umaga at Pag-aaral Naman sa Gabi

Tunay namang kahanga-hanga ang mga magulang na handang gawin lahat ng sakripisyo para lamang sa kanilang mga anak, kaya naman mas naging kahanga-hanga pa ang isang ama ma maliban sa sakripisyo na kanyang ginagawa para sa kanyang pamilya ay buong pagsisipag niya rin na tinutupad ang pangarap niyang makapagtapos ng pag-aaral.

Photo credits to the owner

Sa kabila ng hindi madaling pagsabayin ang pag-aaral lalo na kung may binubuhay pang pamilya, at idagdag pa ang kasalukuyang nararanasan natin ngayon na krisis dahil sa pandemya, ay naitawid nga ng isang ama mula sa Claveria, Misamis Oriental ang kanyang pangarap na makapagtapos ng pag-aaral.

Si Jerome Velez, ay ang 36-taong gulang na ama na nagtapos ng kanyang kurso sa kolehiyo na Business Adminitration na may Major na Financial Management sa Tagoloan Community College, ay ang kahanga-hanga ngang ama na nakapagtapos ng kolehiyo sa kabila ng kanyang edad at pagkakaroon pa ng apat na anak na binubuhay sa pamamagitan ng pagli-laborer.

Photo credits to the owner
Ayon kay Jerome sa isang panayam sa kanya noon ng Manila Bulletin na nalathala noong ika-20 ng Hunyo noong nakaraang taon, ay naibahagi nga niya na taong 2013 pa nang siya ay makapagtapos ng high school.

Dagdag pa niya, plano sana niya noon ay magpatuloy sa pag-aaral, kahit vocational courses lamang, ngunit hind inga ito nangyari dahil na rin sa kakulangan ng suporta sa kanya ng ama niya. Kaya naman imbis na mag-aral siya ng kolehiyo pagkatapos ng high school, ay nagtrabaho na lamang siya bilang isang laborer sa construction at namasukan din sa isang farm.

Photo credits to the owner

Kuwento pa niya, lumaki siya sa broken family at sila ng kanyang mga kapatid ay inabandona ng kanilang ama matapos nga nitong makapag-asawa muli at magkaroon ng bagong pamilya. Hindi rin nga nakapagtapos ng kolehiyo ang kanyang tatlong kapatid.

Nang makapag-asawa nga si Jerome, ay naibahagi niya sa kanyang kabiyak ang plano niyang tuparin ang pangarap niyang makapagtapos ng kolehiyo, at ito naman ay sinuportahan ng kanyang asawa.

Photo credits to the owner

Taong 2017 ng magdesisyon siyang ituloy ang pag-aaral sa kolehiyo at sa panahon na ito ay mayroon na silang apat na anak ng kanyang asawa. Kaya naman working student siya, dahil maliban sa kailangan niya suportahan ang pag-aaral niya, ay sinusuportahan din niya ang pag-aaral ng kanyang apat na anak.

Photo credits to the owner

Noon nga ay sumesweldo lamang si Jerome ng Php250 kada araw, kaya naman todo tipid talaga silang magpamilya. Sa kabila ng hirap sa pagba-budget, ay pinursige ni Jerome ang magtapos ng kolehiyo, kaya naman talagang nakakabilib ang kanyang determinasyon. At ngayon siya nga ay graduate na.
Ang kuwento ni Jerome ay unang ibinahagi sa Facebook noong ika-17 ng June ni Ading Salvane, ang isa nga sa mga naging kaklase ni Jerome.

error: Content is protected !!