Connect with us

Entertainment

“Grabe! Sobra-sobra ‘yung sacrifice niya para sa amin”: LJ Reyes, Blessed at Grateful sa Kanyang Partner na si Paolo Contis

Ipinagmamalaki ng aktres na si LJ Reyes ang kanyang partner at ama ng kanyang anak na si Summer na si Paolo Contis. Magmula ng dumating si Paolo sa buhay ni LJ, ay talagang masasabi na napakaswerte niya. At ang pagiging isang mabuti at responsableng haligi ng tahanan ni Paolo sa kanilang pamilya, ay napatunayan lalo ni LJ ngayong panahon ng pandemya.

Kwento nga ni LJ nang makapanayam ng GMA, ay matinding sakripisyo ang ginawa ni Paolo para sa kanilang pamilya ngayong panahon ng pandemya. Pagdating sa pagiging responsable ni Paolo na talagang ginagawa ang lahat para sa kanilang pamilya, ay walang masabi si LJ kaya naman labis ang kanyang pasasalamat. At nang nasa kasagsagan ng pandemya, ay hindi umano siya pinapalabas nito upang matiyak ang kaligtasan ng kanilang pamilya.

Credits: Paolo Contis | Instagram

“Grabe ‘yung pasasalamat ko kay Paolo na talagang siya ‘yung nagsa-sacrifice. I mean, sobra-sobra ‘yung sacrifice niya kasi siyempre ano ba ang trabaho namin, sobrang na-realize ko na he would shield us from anything na lagi niyang sinasabi sa akin na huwag ka nang lumabas”.

“As in, noong umpisa ng pandemic, hindi niya ako pinaggo-grocery kasi ang point niya is ‘di natin sure pa kung saan nakukuha itong COVID-19,”dagdag pa ng aktres.

Pagbabahagi nga ni LJ ay hindi siya lumalabas para mag-grocery, at si Paolo nga ang gumagawa nito na dapat ay siya ang gagawa. Dahil nga, si LJ ang madalas na kasama at hinahanap ng mga bata, ay ayaw umano ni Paolo na ma-exposed siya sa nakakahawang sakit.

Credits: Paolo Contis | Instagram

“So, ayaw niya akong mag-grocery kasi ayaw ‘ya na ma-expose ako sa labas kasi ako ‘yung hinahanap ng mga bata, sa akin dikit ‘yung mga bata. As in, hindi talaga siya naggo-grocery kaya parang ako, ‘hala ano nangyari?’” kuwento ng aktres

Isa rin sa talagang ipinagpasalamat ni LJ kay Paolo, ay ang pagbibigay nito sa kanya ng karapatan na magpasya para sa kanyang sarili. Dahil nga hinahayaan siya ni Paolo na magdesisyon para sa kanyang sarili, dito niya naappreciate na may katuwang na siya sa buhay.

“Tapos noong slowly bumabalik na nga to work, lagi niya sinasabi na ‘you can stay at home.’ You have a choice and ‘yung choice na ‘yun importante’ yun sa ating babae kasi ‘yun ‘yung feeling ko nawala sa akin before.”

“So ngayon, parang naa-appreciate ko na, u,y meron akong katuwang. Hindi ka na parang walang choice na kailangan ko pa lang i-risk ‘yung sarili ko na kasi isipin mo rin ‘yung mga bata.”

Credits: Paolo Contis | Instagram

Nagkwento rin si LJ tungkol sa pagiging ina at provider kung saan ayon sa aktres ay mahirap pagsabayin ang pagiging isang ina at provider. Magkaiba ang naging karanasan niya sa kanyang anak kay Paulo Avelino na si Aki, at kay Summer. Noon kay Aki, ay wala siyang choice kundi maging isang ina at maging provider rin. Samantalang kay Summer, ay nagkaroon siya ng choice kung magsstay siya sa bahay kasama ang mga bata o magtatrabaho siya

  1. “So ngayon, parang naa-appreciate ko na, u,y meron akong katuwang. Hindi ka na parang walang choice na kailangan ko pa lang i-risk ‘yung sarili ko na kasi isipin mo rin ‘yung mga bata.”

“Mahirap sobra. Mahirap na nga to begin with maging isang nanay tapos isasabay mo pa na magpo-provide ka rin.”

”Magkaiba ‘yung experience ko with Aki (anak niya kay Paulo Avelino) and Summer. Siyempre, with Aki, I had no choice. I had to work kasi I also had to provide for our small family.”

“With Summer, I’m so blessed that I have a choice. Kung gusto kong magtrabaho, magtatrabaho ako, kung hindi ko gusto magtrabaho, Paolo will have the choice to work.”

Credits: Paolo Contis | Instagram

Sa ngayon, bagama’t may mga oportunidad para magtrabaho ay mas pinili ni LJ na manatili sa bahay para maalagaan at makasama ang kanyang mga anak. Isa rin sa dahilang naiisip ni LJ kaya hindi muna siya nagtrabaho sa labas ay para rin sa kaligtasan ng kanilang pamilya ngayong panahon ng pandemya. Mahalaga rin na isa lang sa kanila ni Paolo ang magtrabaho nang sagayon, ay may naiiwan sa mga bata sa loob ng kanilang bahay.

“Pero right now, gusto ko pa rin safe ‘yung mga bata and that means, ‘yung safety nila kahit isa sa dalawa nilang magulang na ando’n para sa kanila whatever happens.”

“Hindi pwedeng exposed kami pareho ni Pao so ando’n ako sa emotional side pa honestly,” paliwanag pa ni LJ.

error: Content is protected !!