Connect with us

Entertainment

Good Vibes ang Naging Hatid sa Netizens ng Masayang Kulitan Bonding Ng Aktor na si Rodjun Cruz at ng Kanyang Cute-Adorable Baby na si Joaquin

Mula pa ng maging magkasintahan ang aktor na si Rodjun Cruz at aktres na si Dianne Medina, ay talaga namang inabangan na ng kanilang mga taga-suporta ang love story nilang dalawa. Kaya naman ng humantong ang dalawa sa pagpapakasal ay marami ang talagang nasiyahan para sa kanila.

Noong buwan ng Disyembre taong 2019 ng ikinasal sina Rodjun at Dianne, kung saan mula sa kanilang naging pre-nup photo shoot na ginanap sa ibang bansa, hanggang sa sila’y ikinasal sa simbahan ay ikinamangha ng mga netizens dahil sa ganda ar garbo nito na kitang-kita naman ang tamis ng kanilang pagmamahalan.




Hindi naman nagtagal, at agad na nagbunga ang tamis ng pagmamahalan ng celebrity couple, dahil ilang buwan lamang matapos ang kanilang naging kasal ay masaya nilang inanunsyo sa lahat ang pagbubuntis ni Dianne. Hanggang sa isinilang na nga nito ang kanilang cute na cute na baby boy na si Joaquin Illustre.

Makikita nga sa mga ibinahaging larawan ng mag-asawa na napakagwapo ng kanilang anak, na kitang-kita naman na namana nito sa kanyang mga magulang na parehong gwapo at maganda.
Ngayon nga ay ilang buwan na si baby Joaquin, at sa kanyang unti-unting paglaki, ay mas lumalabas pa ang taglay na kagwapuhan nito. Mas nagiging aktibo na rin itong sanggol, kung saan ay masarap na itong laruin at aliwin, dahil sa nagagawa na nitong humagikhik.

Samantala, sa kabila ng pagiging abala ni Rodjun sa kanyang trabaho, ay sinisigurado naman niya na pagdating sa tahanan ay mayroon pa rin siyang nailalaan na oras sa kanyang mag-ina, lalo na sa pakikipag-bonding kay baby Joaquin.

Makikita sa IG account ng aktor, na madalas siyang makipag-bonding sa kanyang cute na cute na baby. Tulad na nga lamang ng isang larawan na kanyang ibinahagi, kung saan makikita ang napakagandang pagngiti ni baby Joaquin habang kanyang inaaliw at kinukulit.




“Sarap kulitin at lambingin ni @babyjoaquinillustre! [baby emoji] Love you so much my son”, pahayag ni Rodjun sa kanyang IG post.

Sa mga magulang ay importante na nabibigyan ng oras at panahon ang mga anak mapa-bata o sanggol pa lamang sila, kinakailangan na may oras ang magulang na makipag-bonding sa kanilang mga anak, upang mas makilala nila ang mga iat mas mapalapit pa sa mga ito.

Kaya naman sinusulit talaga ng mga first time parents na sina Rodjun Cruz at Dianne Medina ang bawat oras at sandali na kapiling nila ang anak nilang si baby Joaquin. Dahil batid nila na maikli lang ang pagkabata ng kanilang anak, kaya naman habang bata ito ay mas maiging masulit nila na makipaglaro at bonding na ang kanilang baby.

Good vibes naman ang naging hatid sa mga netizens ng mga videos at larawan ng masayang kulitan ng mag-amang Rodjun at baby Joaquin.

error: Content is protected !!