Connect with us

Entertainment

Glaiza De Castro, Ikinasal Na Sa Kanyang Irish Boyfriend Na Si David Rainey Sa Ireland

Nito lamang ika-13 ng Pebrero ay isang magandang balita ang hatid ng Kapuso actress na si Glaiza de Castro sa kanyang mga tagahanga. Sa eksklusibong panayam sa Kapuso Mo, Jessica Soho nitong nakaraang Linggo ay ibinunyag ni Glaiza, na siya’y ikinasal na sa kanyang Irish boyfriend na si David Rainey.

Photo Credits: Glaiza De Castro| IG

Inamin ni Glaiza na noon pang nakaraang taong 2021 buwan ng Oktubre nang sila’y ikinasal ni David sa Northern Ireland. At sa pamamagitan nga ng isang intimate wedding ceremony ay naisakatuparan ang kanilang pagpapalitan ng wedding vows.

Photo Credits: Glaiza De Castro| IG

Sa nasabing panayam ay nagkwento rin si Glaiza tungkol sa kanilang espesyal na araw. Ayon nga sa aktres, ang kanilang intimate wedding ceremony ay naganap sa tabi ng castle kung saan minsan na ring naging lokasyon ng hit series na Game of Thrones. At hindi naman maikakaila na talagang napakagandang lokasyon ito para sa kanilang simpleng seremonya ng kasal.

Photo Credits: Glaiza De Castro| IG

Samantala, ginawa rin nila sa kanilang kasal ang tradisyon ng Irish na tinatawag na handfasting. Ito ay isang unity ritual kung saan nakatali ang kamay ng couple sa pamamagitan ng isang braid. Ayon sa Catalyst Wedding Co., ang tradisyon na ito ay puwedeng bahagi ng isang legally binding ceremony. Bagama’t, mapapansin na walang naganap na pagpapalitan ng singsing sa naganap na seremonya, ay legal naman ang kanilang pag-iisang dibdib.

Photo Credits: Glaiza De Castro| IG

Ibinahagi naman ni Glaiza ang dahilan kung bakit hindi sila nagpalitan ng singsing sa kanilang naganap na pag-iisang dibdib sa Ireland. At ito nga ay dahil may plano pa silang magpasakal sa simbahan sa Pilipinas. Kwento pa ni Glaiza, hindi niya agad isinapubliko ang kanilang pagpapakasal dahil sa pagiging pribadong tao ni David, at mas nais muna nilang ipagdiwang ang espesyal na araw na ito kasama ang kanilang pamilya.

Photo Credits: Glaiza De Castro| IG

“We’re just waiting for the right time. David was a very private person. We just wanted to celebrate it for ourselves and with the family.”

Matapos naman ang naging panayam ng aktres sa KMJS, ay inilabas naman ni Glaiza ang pasilip ng kanilang intimate wedding ceremony sa kanyang vlog na mapapanood sa kanyang Youtube channel.

Photo Credits: Glaiza De Castro| IG

Matatandaan na noong December 2020 nang ianunsiyo nina Glaiza at David ang kanilang engagement. Ang kanilang matamis na pag-iibigan ay nagsimula noong taong 2018, kung saan nga ay una nilang nakilala ang isa’t isa sa isla ng Siargao. Sa kabila nga ng pagkakaroon nila ng long-distance relationship ay mas nanaig ang kanilang tunay at tapat na pag-iibig sa isa’t isa. At matapos nga ang halos tatlong taong pagiging magkasintahan ay nagpasya na silang magpakasal.

error: Content is protected !!