Connect with us

Inspiring

Ginawang Pagtulong ng Isang Ina sa Kanyang Nagtatrabahong Anak Umantig sa Puso ng Maraming Netizens

Isa sa mga pinakalamaking responsibilidad ng isang babae ay kapag siya’y naging isang ina na. Tunay na hindi madali ang maging isang ina, sapagkat kaakibat nito ay ang panghabangbuhay na responsibilidad para sa iyong mga anak, ngunit sa kabila nito batid naman natin na walang kapantay na kaligayahan ang naidudulot sa isang babae kapag siya ay naging isang ina na.

Kapag ang isa ring babae ay naging isa ng ina ay lahat nga naman ay gagawin para sa kanyang mga anak, kahit anong hirap at sakripisyo ay magagawa nga niya makita lamang na maging maayos ang kanyang mga anak. Kahit nga sa pagkain o anumang mga bagay, ay mas inuuna ng isang ina ang mabusog ang mga anak niya o ang maibigay anuman ang pangangailangan ng mga ito bago ang kanyang pangangailangan.

Tunay ngang walang makakapantay sa pagmamahal ng isang ina para sa kanyang mga anak, at isa nga sa patunay ito ay ang kamakailan lamang na nag-viral na ginawa ng isang ina para sa anak niyang nagtatrabaho.

Kamakainlan nga lamang ay umantig sa puso ng maraming netizens ang ibinahaging kuwento ng netizen na kinilalang si Rubie Lyn Mendoza, ito ay matapos nga niyang ibahagi sa kanyang social media ang ilang mga larawan ng kanyang ina na hindi napigilan ang sarili nitong tulungan ang kapatid niya na nagtatrabaho.

Ang ina ng ani Rubie Lyn na si nanay Emilia ay makikita s alarawan na nagliligpit ng mesa, ito ay dahil sa tinulungan nga ang anak niyang si Jann na ng mga oras na ‘yon ay nagtatrabaho .

Mapapansin sa mga larawan ang napakaraming mga tao ng mga oras na ‘yon, at talaga namang kinakailangan ng kanyang anak ng makakatulong para mapadali at maging magaan ang trabaho nito.

Ayon kay Rubie Lyn ng mga panahon na iyon ay bibisitahin sana nila ng kanyang ina ang kapatid niyang si Jann, ngunit dahil nga sa dami ng tao ay masyado itong abala ng mga oras na ‘yon. Bumili naman umano siya ng pagkain para sa kanila ng ina, ngunit nagulat na lamang nga siya ng makita niya ang kanyang ina na nagliligpit na ng kalat sa isang mahabang mesa.

Ibinahagi naman niya na kaya niya kinunan ng larawan ang kanyang ina ay dahil naantig siya sa ginawa nito, at dito nga niya napatunayan na talagang kahit ano ay handa gawin ng kanilang ina para sa kanilang magkapatid.

error: Content is protected !!