Connect with us

Inspiring

Gerald Anderson, Pinahanga Ang Publiko Matapos Personal Na Iabot Ang Donasyon Sa PCG Para Sa Mga Naapektuhan Ng Bagyong Odette

Tunay nga na sa kabila ng mga pagsubok at sakuna na dumarating, ay hindi nagpapatinag ang sambayanang Pilipino. Anong sakuna man nga ang maranasan, ay hindi mawawala ang pagkakapit-bisig at pagtutulungan ng bawat Pilipino.

Photo credits to the owner| Coast Guard| FB

Sa pagsalanta nga ng bagyong Odette sa bansa kung saan ay nag-iwan ng matinding pinsala sa rehiyon ng Visayas at Mindanao, ay marami ang nagpatunay na taglay nila ang ginintuang puso para mag-abot ng tulong sa mga nangangailangan.

Photo credits to the owner | Coast Guard| FB

Isa na nga rito ang aktor na si Gerald Anderson na hindi nagdalawang isip na magpaabot ng kanyang tulong sa mga pamilya na apektuhan ng hagupit ng bagyong Odette. Sa isang Facebook post na ibinahagi ng Philippine Coast Guard, ay makikitang personal na iniabot ni Gerald ang kanyang donasyon para sa mga nasalantang pamilya ng bagyong Odette.

Photo credits to the owner| Coast Guard| FB

Nito lamang ika-19 ng Disyembre nang personal na ihatid ni Gerald sa PCG ang kanyang donasyon na sako-sakong bigat at kahon-kahong bottled water. Ang nasabing donasyon naman ay ihahatid ng PCG sa mga naapektuhan ng bagong Odette tulad ng Western Visayas at Northeastern Mindanao.

Sa post ng PCG, ay pinasalamatan nito si Gerald na tumatayong Auxiliary Commander. At ayon pa nga dito, ay unang bahagi ito ng donasyon ni Gerald para sa mga nasalanta ng bagyong Odette.

Photo credits to the owner| Coast Guard| FB

“Maraming SALAMAT, AUXILIARY COMMANDER GERALD ANDERSON! Kahapon, ika-19 ng Disyembre 2021. Personal na hinatid ni Auxiliary Commander Gerald Anderson ng Philippine Coast Guard Auxiliary (PCGA). Ang unang bahagi ng kanyang donasyon para sa apektadong pamilya ng Bay0ng #OdettePH.”

“Agad na isinakay ang saku-sakong bigas at kahung-kahong purified drinking water sa BRP Gabriela Silang (OPV-8301) na biyaheng Western Visayas at Northeastern Mindanao.”

Photo credits to the owner| Coast Guard| FB

Labis na natuwa ang PCG sa ipinakitang kabutihan ni Gerald na makatulong sa kanyang kapwa. Hindi naman nga nakaligtas sa mata ng mga netizens ang ipinakita niyang kabutihan kung kaya’t agad itong umani ng mga positibong komento. Karamihan nga sa kanila ay sinabi na likas na ang pagiging matulungin ng aktor sa kapwa at talagang taglay ang mabuting puso.

Photo credits to the owner| Coast Guard| FB

“Mabait talaga yang si gerald ma issue lang sa girls. Meron din syang training facility for rescue dogs gastos nya lahat”

“sabi nga Bea sa previous interview nya after taping kahit wala tulog talagang pumupunta sya sa mga charity nya pra tumulong, ayan yung mga good traits na hnd nila nakikita kay Gerald kc womanizer na lamg tingin sa kanya mga tao”

“Saving grace talaga ni Gerald ang pagiging matulungin sa kapwa at mapagmahal sa family.”

Nanawagin rin ng karagdagang tulong para sa mga nasalanta ng bagyo ang magkasintahang sina Gerald Anderson at Julia Barretto.

error: Content is protected !!