Connect with us

Entertainment

Gerald Anderson, Muling Ipinasyal ang kanyang mga Tagahanga sa mas Pinaganda at mas pina Improve na “Hayati” Beach Resort sa Zambales

Matatandaan na noong nakaraang taon buwan ng Oktubre nang buksan sa publiko ng aktor na si Gerald Anderson ang kanyang private resort na matatagpuan sa Zambales. Hindi naman hinayaan ni Gerald, na manatili lang sa dating hitsura ang kanyang resort. Dahil sa pagdaan ng panahon ay mas lalo pa itong gumanda, at nadagdagan rin ng mga bagong atraksyon.

Photo credits: Gerald Anderson | Youtube

May pagmamalaking ipinakita sa kanyang mga taganga ng “Init sa Magdamag” actor na si Gerald sa kanyang latest vlog ang malaking pagbabago sa kanyang beach resort sa Zambales na pinangalanan niyang “Hayati”.

Maliban nga sa mga unang itinayo na makikita rito tulad ng basketball court, swimming pool at ilang cottages, ngayon nga ay may dagdag pang mga pasilidad dito na malaking bagay para makapag-enjoy at makapag-relaks ang mga bakasyunistang bibisita sa kanyang private resort.

Sa nasabing video ay inilibot ni Gerald ang kanyang mga manonood. Makikita na inisa-isa ng aktor ang bawat bahagi ng resort kung saan masisilayan ang mga bagong atraksyon. Ngayon nga, ay makikita na rin sa kanyang napakagandang resort ang outdoor gym, gazebo, secret garden, bonfire spot, yoga area, at jacuzzi.

Photo credits: Gerald Anderson | Youtube

Sa secret garden makikita ang makukulay na bulaklak, ilang mga pananim na gulay at iba pang halamang naghahatid ng preskong hangin para makapagrelaks. Makikita rin dito ang isang maliit na fishpond at kulungan ng mga ibon.

Photo credits: Gerald Anderson | Youtube

Ipinakita rin ni Gerald ang basketball court na kauna-unahan niyang ipinatayo sa resort. Ang gym area naman na katabi ng basketball court, ay maaari ring gamitin ng mga bisita. At ayon kay Gerald ang ilan sa mga gym equipmemt ay mula sa kanyang bahay na dinala niya sa resort para mapakinabangan.

Photo credits: Gerald Anderson | Youtube

Photo credits: Gerald Anderson | Youtube

Instagramable naman ang view sa “Hayati heart” na isa sa ipinagmamalaki ni Gerald, dahil sadyang napakaganda ng view dito. At pwedeng pwede naman talagang ipost sa Instagram ang larawang kuha rito.

Photo credits: Gerald Anderson | Youtube

Photo credits: Gerald Anderson | Youtube

Samantala, pagdating naman sa mga cabin ay makikita na may mga silid na nakalaan para sa dalawa hanggang sampong katao ang  bawat isa. May silid na kasya para sa dalawang tao, at ang pinakamalaking silid nga ay kasya ang 8-10 tao.

Photo credits: Gerald Anderson | Youtube

Photo credits: Gerald Anderson | Youtube

Photo credits: Gerald Anderson | Youtube

Photo credits: Gerald Anderson | Youtube

Masarap namang tumambay sa gazebo sa araw, at sa gabi naman sa bonefire area habang nagkukwentohan. Makikita rin malapit rito ang jazucci. May billiard area din sa resort para naman sa mahihilig maglaro ng billiards para malibang. Ipinakita rin ni Gerald ang swimming pool na talaga namang masarap maligo, lalo na sa gabi habang tanaw ang mga bituin sa kalangitan.

Photo credits: Gerald Anderson | Youtube

Photo credits: Gerald Anderson | Youtube

Photo credits: Gerald Anderson | Youtube

Sa huli ay ipinakita ni Gerald ang kanyang saraling silid na tinutuluyan sa resort na tinawag niyang “glass house” dahil napapalibotan ng purong salamin ang paligid nito. Nakaharap naman ito sa karagatan na ang hatid ay napakagandang tanawin.

Photo credits: Gerald Anderson | Youtube

“As you can see in the front, puro glass. Para yung view [ko agad, ‘yung beach]. Dito ako gumigising, [then] ito ‘yung una kong nakikita. Bago matulog o bago mag-sunset, kita mo na ‘yung view mula sa loob.”

error: Content is protected !!