Connect with us

Entertainment

Gerald Anderson, Ipinasilip at Nagbigay ng Update Sakanyang Private Beach Resort

Iba’t iba na nga ang pinapasok na investments ng mga personalidad sa showbiz ngayon. Kung ang ilan sa kanila ay nagtatayo ng mga farms sa probinsya, ang iba naman ay mayroong private beach resorts gaya ng aktor na si Gerald Anderson. Itinayo nga ni Gerald ang Hayati Private Beach Resort at ibinahagi niya sa isang vlog ang ilan sa mga pagbabago mula nang maitayo ito.

Photo credits: Gerald Anderson | Youtube

Kinahihiligan ni Gerald ang paglalaro ng basketball kaya naman hindi mawawala ang isang basketball court na ayon sa kaniya ay ang kauna-unahang istruktura na ipinagawa niya dito. Bukod sa basketball court, maaari ding makapag-ehersisyo ang mga bisita ni Gerald sa isang open space na gym o kaya naman ay magsaya kasama ang kanilang mga kaibigan sa pool table.

Photo credits: Gerald Anderson | Youtube

Photo credits: Gerald Anderson | Youtube

Maaari ding puntahan ang isang secret garden kung saan makikita ang kanilang mga pananim na mga bulaklak at gulay gaya ng sili at talong. Mayroon ding mga alagang manok, ibon, at isda sa maliit na fish pond. Ayon kay Gerald, bukas ito para sa mga bisita na nais magrelax.

Photo credits: Gerald Anderson | Youtube

Photo credits: Gerald Anderson | Youtube

Photo credits: Gerald Anderson | Youtube

Photo credits: Gerald Anderson | Youtube

Dagdag pa rito, may ilan pang espasyo sa resort kung saan maaaring makapagpahinga ang mga tao gaya ng kanilang gazebo.

Sa pagsapit naman ng gabi ay maaaring magkasiyahan ang mga guests sa bonfire spot at jacuzzi ng resort o kaya naman ay magrelax sa kanilang bar. At syempre, hindi mawawala ang swimming pool sa resort kung saan matatanaw rin ang napakagandang view.

Photo credits: Gerald Anderson | Youtube

Photo credits: Gerald Anderson | Youtube

Hindi rin nakalimutan ni Gerald na ipakita ang isa sa kanilang mga cottage para sa mga pamilya. Mayroon din namang ilang cottages para sa malalaking pamilya kung saan kasya ang walo hanggang sampung tao. Mayroon ding mas maliliit pang cottages para sa mga couples at camping style cottages na ayon kay Gerald ay patok na patok sa mga guests.

Photo credits: Gerald Anderson | Youtube

Photo credits: Gerald Anderson | Youtube

Ipinasilip din ni Gerald ang kaniyang glass house sa resort kung saan siya namamalagi. Ayon kay Gerald, perpekto ang rest house na ito dahil talagang matatanaw ang view ng dagat at maging ang napakagandang sunset.

Photo credits: Gerald Anderson | Youtube

Talaga nga namang napakaganda ng private resort na ito ni Gerald. Maging ang mga netizens ay natuwa rito. Binati ng ilang viewers ng vlog si Gerald para sa kaniyang bagong achievement. Perpekto rin ang lokasyon ng resort ayon sa mga netizens kaya naman nais rin nilang bumisita sa Hayati Beach Resort upang makapagrelax.

error: Content is protected !!