Connect with us

Entertainment

Gerald Anderson, Binigyang Kasiyahan ang Kanyang Personal Assistant Matapos Niya Ito Regaluhan ng Motorsiklo na Pangarap Nito

Pagdating sa kagwapuhan ay isa ang aktor na si Gerald Anderson sa mga nangunguna sa hinahangaan. Ang kanyang showbiz career ay nagsimula ng maging isa siyang housemate ng Pinoy Big Brother, at ng lumabas nga sa nasabing reality show ay maraming oportunidad ang nagbukas sa kanyang sa mundo ng showbiz.

Photo credits| Gerald Anderson | IG

Nakilala siya bilang isang mahusay na aktor, ngunit mas minahal pa siya ng marami niyang mga tagasuporta dahil sa pagiging isa niyang mabuting tao, hindi lamang sa harap ng kamera kundi maging sa totoong buhay, at kamakailan nga lamang ay muli niya iong pinatunayan.

Photo credits| Gerald Anderson | IG

Maliban nga sa pagiging isa sa mga hinahangaang aktor sa industriya ng showbiz, ay isa ring mabait na amo si Gerald sa kanyang mga tauhan. Sa katunayan, isa nga sa kanyang mga tauhan ang nakatanggap ng sorpresa mula sa aktor noong araw ng kaarawan nito, na labis ngang nagpasaya rito.

Photo credits| Gerald Anderson | IG

Kamakailan nga lamang ay nagdiwang ng kaarawan ang PA o personal assistant ni Gerald na si Jalal Laidan. At sa espesyal na araw nga na ito sa PA ng aktor, ay isang sorpresa ang inihanda ni Gerald, kung saan ito nga ay isang bonggang regalo para sa isa sa mga taong labis niyang pinagkakatiwalaan at malaki ang naitutulong sa kanya.

Ibinahagi ni Gerald sa kanyang Instagram account ang isang video at dito ay makikita nga kung paano niya sinorpresa ang kanyang PA sa araw ng kaarawan nito, kung saan ay niregaluhan nga niya ito ng motorsiklona noon pa man ay pangarap na nito na magkaroon.

Photo credits| Gerald Anderson | IG

“Birthday ng anak ng Sultan na si Jalal tapos ngayon, isu-surprise natin siya with a motorcycle. Matagal na niyang pangarao ‘yan kaya pagbibigyan natin siya”, ang naging saad nga ng aktor sa unang bahagi ng kanyang video.

Labis naman ang tuwa at galak ng PA ni Gerald na si Jalal ng makita niya ang regaling motorsiklo sa kanya ng aktor. Hindi nga nito naiwasan na mapatalon sa tuwa at mapayakap ng ilang beses kay Gerald dahil sa kanyang labis na kasiyahan. Kaagad rin ngang sinubukan ni Jalal ang kanyang bagong motorsiklo.

Photo credits| Gerald Anderson | IG

Ipinahayag naman ni Jalal ang labis niyang kasiyahan at pasasalamat para sa kanyang butihing boss na si Gerald Anderson. Kalakip pa nga ng mensahe ng pasasalamat niya para sa aktor ay ang larawan niya kung saan ay makikita nga siyang nakangiti habang nakasakay sa motorsiklo na regalo sa kanya.

“Maraming salamat sa lahat po! Dream come true! Thank you so much my boss, my brother @andersongeraldjr”, sulat ni Jalal sa kanyang IG post.

error: Content is protected !!