Connect with us

Entertainment

Geneva Cruz, Ibinahagi Ang Sikreto Sa Likod Ng Kanyang Fit At Seksing Katawan Sa Kabila Ng Kanyang Edad Na 45

Inspirasyon ang hatid ng aktres na si Geneva Cruz lalo na sa mga kababaihang nais mapanatili ang kanilang fit at seksing katawan sa kabila ng kanilang edad.

Sa edad kasing 45 ay nagawang mapanatili ng singer-actress ang magandang hubog ng kanyang katawan. At ito nga ay dahil sa kanyang disiplina sa sarili at commitment na maabot ang kanyang fitness goal.

Photo credits: Geneva Cruz | IG

Photo credits: Geneva Cruz | IG

Photo credits: Geneva Cruz | IG

Sa taglay ngang ganda ng katawan ni Geneva na talaga namang fit at seksi ay marami ang humahanga, at nagtatanong kung ano nga ba ang kanyang sikreto lalo na sa pagkakaroon ng abs. Kaya naman, sa isang Instagram post kalakip ang kanyang napakaseksing larawan ay ibinunyag na ng former Smokey Mountain member na si Geneva sa kanyang mga tagahanga ang kanyang sikreto.

“Ang daming nagtatanong paano daw magkaroon ng defined na abs and paano daw na me-maintain ang katawan ko. I decided to answer those questions today since I got time in my hands.”

Ibinunyag ni Geneva na matinding work out ang kanyang ginagawa para mamaintain niya ang fit niyang katawan. At ilan nga sa kanyang ginagawang work out ay cardio, yoga, at Pilates na ginagawa niya ng “two to three times a week”. Para naman sa kanyang abs, ay araw-araw ang ginagawa niyang training. Maingat rin sa pagkain si Geneva kung saan nga ay “high in protein and low in carbohydrates” ang kanyang mga kinakain.

Photo credits: Geneva Cruz | IG

“It is what works for me, but just because it works for me does not mean it can work for you too. We all have different bodies, and if you’re taking some maintenance for your health, you must talk to your doctors about your plans to transform your bodies before you do so.”

Binigyang diin rin ni Geneva ang kahalagahan ng determinasyon at kalakasan pagdating sa training lalo na nga kapag nasa mid 30s pataas na.

Isa ring vegetarian si Geneva, kung kaya’t hinikayat niya ang kanyang mga tagahanga palaging kumain ng mga gulay dahil malaki ang naitutulong nito sa kalusugan.

Photo credits: Geneva Cruz | IG

“Don’t forget to eat your vegetables, and if you’re sometimes a vegetarian like myself, you can still get your proteins through tofu, soybeans, spirulina, kale, spinach, etc., while you train.”

Detalyado naman ang naging pahayag ni Geneva sa kanyang post patungkol sa pagkakaroon ng defined abs kagaya sa kanya.

Sa huli ay ibinahagi naman ni Geneva na noong 2014 nagsimula ang kanyang fitness journey matapos niyang manganak sa kanyang bunsong anak sa London. Nilinaw naman ng aktres na hindi siya isang personal trainer o nutrionist, ngunit may ibang tao na rin siyang natulungan sa kanilang fitness journey. Kaya naman, nais lamang ni Geneva na magbigay inspirasyon sa mga nagnanais na maging fit at healthy ang kanilang katawan.

“A month after giving birth to London, I started training under the supervision of my son Heaven, and boy was he strict! He even made me use super baby London as part of my physical training, I was still 20 pounds heavier than my normal weight, but after I lost all the remaining fats, the definition on my stomach was already there!”

“I’m not a personal trainer or a nutritionist, but I did help a few people in the United States lose weight. I hope I can inspire some of you, too, to get the body you’ve always wanted. Here’s to a healthier, stronger 2022! Good luck!“

error: Content is protected !!