Connect with us

Entertainment

“Gary and I fought for our ‘controversial’ relationship”: Mag-asawang Gary Valenciano at Angeli Pangilinan, Masayang Nagdiwang ng Kanilang 37th Wedding Anniversary

Sa isang nakakaantig na Instagram post, nagbalik-tanaw ang asawa ng sikat na singer na si Gary Valenciano na si Angeli Pangilinan sa kanilang masayang samahan bilang mag-asawa sa loob ng 37 na taon.

Credit: Gary Valenciano | Instagram

Nito lamang ika-6 ng Agosto nang masayang ipagdiwang ng mag-asawang Gary at Angeli ang kanilang 37th wedding anniversary. Taong 1984 nang ikasal ang dalawa kung saan nga ang matamis nilang pag-iibigan ay nagbunga ng tatlong anak, sina Paolo, Gabriel, at Kiana na kanilang inalagaan at pinalaki sa kanilang tahanan sa Antipolo City.

At para sa espesyal na araw na ito sa buhay nilang mag-asawa, ay ibinahagi ni Angeli sa Instagram ang kanilang masayang love story na nakaranas rin ng mga pagsubok na nagpatibay sa kanilang pagsasama dahilan para sila’y tumagal ng 37 na taon. Kalakip ng mahabang caption ni Angeli ay ang kanilang lumang litrato na kuha sa kanilang seremonya ng kasal.

Credit: Gary Valenciano | Instagram

Ayon nga sa unang bahagi ng post ni Angeli, ay mahabang panahon na sa buhay mag-asawa ang 37 na taon. Unang pinasalamatan ni Angeli ang Diyos dahil sa ipinagkaloob sa kanyang mapagmahal na pamilya at mabuting asawang gaya ni Gary. Ang kasal nila ni Gary noong 1984, ay masasabing na-bashed ng media. Ikinasal sila sa Canlubang, at noon nga ay pitong buwang buntis na siya sa panganay nilang anak.

“37 years is a long time to be married. Today when I count my blessings, I thank God for my family and my husband Gary. I’ve learned the basic values like patience, perseverance, self-control, & peace! In 1984, 7 months pregnant & totally bashed by media (imagine if there was social media then), I married Gary in Canlubang, thanks to the Yulo family. The year after we had our church wedding in Villa Escudero thanks to our Ninong Ado.”

Kwento pa nga ni Angeli, sa kabila ng mga pagsubok na kanilang naranasan sa gitna ng kanilang pagsasama, ay hindi sila sumuko bagkus ay ipinaglaban ang kanilang “controversial relationship”. Naging kontrobersyal umano ang kanilang relasyon dahil mas matanda siya ng 6 na taon kay Gary. Si Gary ay 20 taong gulang lamang noon, samantala turning 26 naman si Angeli. Malaki naman pasasalamat ni Angeli, dahil nagtagumpay sila ni Gary na maging matatag ang kanilang pagsasama bilang mag-asawa.

Credit: Gary Valenciano | Instagram

“Against all odds & predictions, Gary and I fought for our ‘controversial’ relationship as I was 6 years older than him. How many times did I want to up and leave him because I literally married a very young man! He was 20! I was 25 turning 26! I cannot praise the Lord enough for His faithfulness, unwavering love and provision and protective mantle over my husband’s and my life.”

Ibinahagi rin ni Angeli sa kanyang post ang mga ups and downs ng kanilang pagsasama bilang mag-asawa. Nabanggit rin ni Angeli ang kanilang naging sumpaan ni Gary sa harap ng altar na magsasama sa hirap at ginhawa.

Credit: Angeli Valenciano | Instagram

“With marriage comes many happy times but also seasons of heartache, arguments, & battles that can create strains on the relationship. I want to share a takeaway for all young (or even old haha) couples out there. When you make a vow with your partner, you may eventually want to break it and you end up thinking you won’t be able to make it. But remember the wedding lines were ‘for better or for worse, for richer or for poorer, in sickness or in health … till death do us part.”

Sa huling bahagi ng kanyang post, ay naglalaman naman ito ng mg makabuluhang verses mula sa Bible. Mas lalo namang naging espesyal ang araw ng kanilang anniversary dahil nagkataon rin na birthday ito ni Gary. Kaya naman sa kanyang post, ay binati na rin ni Angeli si Gary para sa kanyang kaarawan.

Credit: Angeli Valenciano | Instagram

“I am sure most of you have experienced that the challenges, struggles & trials are real. But remember God said that He will never leave us nor forsake us. We can do all things through Him who strengthens us. And we must learn to love & listen unconditionally, selflessly forgiving all the time (even if you want to make him disappear sometimes), submitting to one another, & most important, earnestly reading His Word. Women tend to mother their men. We must learn to be less prescriptive & more open to understanding our husband’s needs first. With these thoughts I greet my husband Gary a happy anniversary & happy birthday !!! I love you hon ! #notetoself.”

Mababakas naman sa mensahe ni Angeli na sa pagdaan ng panahon ay hindi nagbago ang kanyang pagmamahal sa kanyang asawang si Gary.

error: Content is protected !!