Connect with us

Entertainment

Gabbi Garcia Ipinasyal ang mga Netizens sa Kanyang Napakagandang Walk-in Closet

Published

on

Likas na nga sa mga kababaihan ang pagkahilig sa mga materyal na bagay gaya na lamang ng mga damit, sapatos, bag, accessories at make up upang maging maganda at manatili ang kaayusan sa kanilang sarili. Kaya naman, marami ang naghahangad na magkaroon ng kanilang sariling walk-in closet kung saan makikita ang mga damit, sapatos at iba pang gamit pampaganda.




Katulad na lamang ng mga sikat na artista sa industriya ng showbiz na may sariling walk-in closet. Dahil nga, parte na ng trabaho nila bilang artista ang maging maganda at magkaroon ng taste pagdating sa fashion ay naglalaan sila ng oras para sa kanilang walk-in closet.

Isa na nga rito ang Kapuso star na si Gabbi Garcia kung saan ay siya mismo ang nag-ayos ng kanyang walk-in closet. Sa latest vlog nga ng aktres, ay may pa-tour siya sa kanyang kahanga-hangang walk-in closet na talaga namang kompleto sa kagamitan. At bawat parte nga ng loob ng kanyang napakagandang walk-in closet ay ibinahagi ni Gabbi.

Ayon naman kay Gabbi, maliban sa kwarto niya ay ang walk-in closet ang paborito niyang lugar sa kanilang tahanan. Pagpasok pa lang sa loob ng walk-in closet ni Gabbi ay makikita na agad ang kagandahan at kaayusan nito. Mayroon nga itong isang mini lounge area na nakahanda para sa kanyang glam team. Makikita rin ang isang malaking TV sa loob ng silid. Mayroon ring itong movable chair na kahit saan mang parte ng walk-in closet ay maaari niyang ilipat-lipat.

Kahanga-hanga rin ang napiling disenyo ng pader ni Gabbi para sa kanyang walk-in closet. Mas pinili niyang plain white ang kulay nito kung saan ay nilagyan naman ng geometry design. Ang pinto naman ng silid ay plain white rin na kung saan ay nilagyan naman ng gold lining, at ayon kay Gabbi ay ang ama niya ang nakaisip ng disenyong ito, maging ang ilang kagamitan sa silid ay dinisenyuhan rin ng gold lining.

Samantala, ang mini coffee table naman ay mismong si Gabbi ang nagdisenyo kung saan nilagyan niya ng mga magazine about sa fashion dahil mahilig nga ang aktres sa fashion.




Ibinahagi rin ni Gabbi ang paborito niyang parte ng silid, ito nga ang kanyang mga heels na talaga namang kahanga-hanga sa ganda ang mga disenyo. Ipinakita nga ni Gabbi ang ilan sa mga paborito niyang heels at ang iba nga rito ay binili mula sa kanyang mga trip sa ibang bansa. Ang ilan naman ay regalo sa kanya, kabilang na nga rito ang bigay sa kanya ng aktres na si Marian Rivera noong debut niya.

May mga koleksyon rin mga magaganda at mamahaling bag si Gabbi katulad na lamang ng Louis Vuitton, Channel, Kurt Geiger, at Jimmy Choo.

May makikita ring bar station sa loob ng walk-in closet. Ito nga ang pinaka-drinking station na nakahanda para sa kanyang glam team at mga bisita kapag aayusan siya. Kahanga-hanga rin ang isang gold crown na makikita sa ilalim ng munting lamesa. At dahil nga wala ng paglagyan, dito na lang naisip ng aktres na ilagay ang naturang korona.

Nag-uumapaw naman sa dami ang sneakers ni Gabbi, at ang ilan nga sa mga ito ay nasa labas na ng kabinet dahil wala ng paglagyan. Karamihan nga sa mga sneakers niya ay mula sa Keds dahil dati siyang endorser ng kompanya.

Kapansin-pansin rin ang mga nakadisplay na memorabilia sa kanyang walk-in closet. Kabilang na nga rito, ang 2 doll na “Alena” na hango sa karakter niya sa Encantadia na nakasuot ng gown at warrior custom. Ito nga ay regalo sa kanya ng kanyang ama noong 18th Birthday niya. May mga magazine rin si Gabbi sa silid kung saan ay tampok siya sa cover ng bawat magazine. Makikita rin ang mga naka-frame na larawan ng aktres na may kaugnayan sa musika na kung saan ay nagsisilbing alaala sa mga importanteng kaganapan ng buhay niya.

Kapansin-pansin naman na kaunting damit lamang ang makikita sa loob ng kanyang walk-in closet. Ito nga ay dahil karamihan sa kanyang mga damit ay nasa loob ng kanyang silid at tanging mga travel clothes lang ang kanyang nilagay sa walk-in closet.




Pagdating naman sa dresser, makikita dito ang mga kagamitan sa kanyang hair and make up. Mayroon nga itong isang napakagandang salamin na sinamahan niya ng magandang disenyo na siya mismo ang nag-ayos. Hindi rin syempre mawawala ang make up collection ni Gabbi. At dahil nga modelo ang aktres ng Maybelline, karamihan sa kanyang make up ay mula sa Maybelline. Mayroon rin siyang sariling make up kit na kanyang dinadala sa trabaho kapag wala ang kanyang make up artist.

Talaga namang napakaganda ng disenyo ng walk-in closet ni Gabbi at may chandelier pa ito na sinamahan naman ng magandang disenyo ng ceiling. At sa huli nga, ay ipinakita naman ni Gabby ang fitting room ng silid kung saan ay may nakahandang LV robe na kulay puti. Ang fitting room nga ay binagayan naman niya ng kulay pink na kurtina na nagsisilbing takip sa munting silid.

error: Content is protected !!