Connect with us

Entertainment

Gaano na nga ba Kayaman ang Eat Bulaga Host na si Maine Mendoza? Narito ang Kanyang Networth

Makikita sa karamihang artista sa kasalukuyang henerasyon ang pagiging wais sa paghawak ng kanilang kinikita. Sa dami ng kanilang proyekto, hindi nakakagulat ang laki ng kanilang kita. Ang ilan sa kanila ay galing din sa mayayamang mga pamilya. Bagamat mayroon silang sapat na yaman mula sa kanilang mga trabaho at pamilya, pinipili pa rin nilang palaguin ito. Dahil dito, napakaraming mga artista ang pumapasok sa iba’t ibang negosyo upang mapalago ang pinaghirapan nilang kita.

Photo credits: google.com

Si Maine Mendoza na unang nakilala bilang Yaya Dub ay isa sa mga host ng noontime show na Eat Bulaga. Una siyang nadiskubre dahil sa kaniyang nakakaaliw na mga Dubsmash videos. Nakilala din siya dahil sa pagtatambal nila ni Alden Richards sa isang segment ng Eat Bulaga na Kalyeserye. Sumikat sa pangalang ‘AlDub’ ang love team ng dalawa.

Photo credits: google.com

Kalaunan ay minahal siya ng mga tao at ngayon ay isa nang host sa nasabing show. Dahil sa kaniyang kasikatan at mga proyekto, unti-unti niyang ibinahagi ang kaniyang mga naipundar matapos sumikat bilang Yaya Dub. Ipinakita niya ang kaniyang iba’t ibang properties at sasakyan.

Ngunit bago pa man ang kasikatan ni Maine, mayroon na siyang komportableng buhay. Nakapag-aral si Maine sa De La Salle-College of St. Benilde, isa sa pinakamahal na unibersidad sa bansa.

Photo credits: google.com

Negosyante rin ang kaniyang mga magulang at nagmamay-ari ng maraming mga negosyo sa bansa gaya ng gasoline station.

Photo credits: google.com

Ngayong isa na siyang sikat na personalidad, nagkaroon siya ng iba’t ibang proyekto at product endorsements kung saan kumikita siya ng P87,985,540. Nakapagpundar din siya ng sariling negosyo gaya ng isang McDonald’s branch sa Sta. Clara, Bulacan na nagkakahalaga ng P30-50 million.

Photo credits: google.com

Dahil sa kaniyang trabaho at negosyo, sinasabing mayroon siyang net worth na $12 million. Sa halagang ito, maaaring isa si Maine sa pinakamayamang artista sa kaniyang henerasyon.

Photo credits: google.com

Hindi lang yaman ang ipinagmamalaki ng Kapuso star. Isa rin siyang modelo ng pagiging responsableng mamamayan. Sa katunayan, ginawaran siya ng isang award bilang Top Regional Individual Taxpayer. Masasabing nakuha ni Maine ang pagiging negosyante at wais sa pera mula sa kaniyang mga magulang. Sa patuloy niyang pagsisikap sa kaniyang trabaho at negosyo, hindi malayong lumago pa sa hinaharap ang kaniyang yaman.

error: Content is protected !!