Connect with us

Entertainment

“Future Mother-in-law”: Angel Locsin, Nagpaabot ng Masayang Pagbati Para sa Kaarawan ng Ina ng kanyang Fiancee na si Neil Arce

Ang aktres at pilantropo na si Angel Locsin, at fiancee nitong si Neil Arce na isang film producer, ay patuloy na ipinapakita ang magandang samahan at relasyon. Kaya naman, hindi nakapagtataka na maganda rin ang relasyon ng aktres sa pamilya ni Neil, lalo sa ina nito.

Photo credits: Angel Locsin | Instagram

At nito lamang ika-24 ng Nobyembre, ay hindi pinalampas ni Angel ang pagkakataong batiin sa Instagram ang kanyang future mother-in-law sa pagdiriwang ng kaarawan nito.




Ipinaabot ni Angel sa isang Instagram post ang kanyang pagbati. Ang nasabing post ay nilakipan ng larawan ng ina ni Neil kung saan makikita ang maganda nitong mukha habang masayang nakangiti sa harap ng isang cake na puno ng kandila.

Sinamahan naman ito ng caption ni Angel kung saan ay tinawag niyang “beautiful future mother in law” ang may kaarawan.

“Happy birthday to my beautiful future mother in law, @jeanniejlo,”caption ni Angel sa kanyang post.

Ang pagbating ito ng aktres sa ina ni Neil na malapit na niyang maging mother in law, ay ikinatuwa ng mga netizens. Makikita naman talaga sa larawan kung gaano kaganda ang ina ni Neil. Mas lalo pa itong kinagiliwan matapos sumagot sa nasabing post ang ina ni Neil at sinabi na:

“Thank you my future daughter! Daughter na Lang ha kasi Wala akong daughter! Pangarap ko yun e..Sabihin mo kay daddy mo kung ok Lang sa kanya yun tawag ko sa iyo.. 😊 love you Angel! Thank you for making me happy today.”

Samantala, nagpaabot rin ng pagbati si Neil sa kanyang ina sa sarili niyang Instagram account. Kalakip ng larawan ng kanyang ina, ay nilagyan niya ito ng caption na:

“Happy birthday mother! I Love you!!”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Neil Arce (@neil_arce)

Matatandaan na matapos ang mahigit isang taong relasyon bilang magkasintahan ay masayang inanunsyo nina Angel at Neil ang kanilang engagement noong Hunyo ng nakaraang taon. Napag-alaman rin na plano sana ng dalawa na maikasal noong Nobyembre 8, 2020, ngunit ito ay hindi natuloy dahil na rin sa nararanasang pandemya sa bansa.




Base naman sa panayam ng Metro.Style, ibinunyag ng mag-fiancee ang plano nilang pagtuloy ng nakanselang kasalan sa susunod na taon. Ngunit, isinaalang-alang parin ng dalawa ang kalagayan ng bansa laban sa pandemya at kaligtasan ng lahat.

“But of course, it depends on the situation with the pandemic. We were thinking, ‘Should we do it small?’ But that’s not us eh “We’re friends, we have a group of friends. We want everyone to be there. We want everyone to have fun. And you know, Angel didn’t attend their prom. She didn’t have a debut. So this is the only big party she’s going to have, saad ni Neil sa panayam.

Ayon naman kay Angel, ay uulitin umano nila ang plano upang matiyak ang kaligtasan ng lahat.

“Actually, kailangan namin ulitin ’yung planning. Tapos na dapat siya eh. “Better na safe ang lahat at confident na walang sakit, so I think best decision namin na i-move na lang ’yung wedding.”

error: Content is protected !!