Connect with us

Entertainment

“From bestfriends to Lovers”: Aktres na Arci Muñoz at aktor na si JM De Guzman, In a Relationship na

Pinakilig ng aktres na si Arci Muñoz at aktor na si JM de Guzman ang mga netizens, matapos magpost si Arci ng isang rebelasyon sa kanyang Instagram.

Nito lamang ika-4 ng Abril, araw ng Linggo, ay isang pag-amin ang nagmula kay Arci na sila na ng kanyang long-time bestfriend na si JM de Guzman. At ang ganap nga sa kanilang dalawa ngayon ay “from bestfriends to lovers”.

Sa kanyang Instagram account kalakip ang larawan ng kanyang pamilya sa kanilang bakasyon sa Boracay, kung saan kasama rin si JM sa larawan at isang video naman ng sweet moments nilang dalawa, ay ipinahayag ni Arci ang kanyang labis na kaligayahan dahil nasaksihan ng kanyang pamilya ang ‘beautiful moment’ na ito.

“Just really glad that the whole family was able to witness this beautiful moment.❤ on me vlog tomorrow.😘,”saad ni Arci sa kanyang post.

Nilakipan rin ito ng aktres ng mga hashtags na #mayforever, #frombestfriendstolovers at #righttime. Base sa mga hashtag na ginamit ni Arci, ang kanilang matagal na samahan bilang magbestfriend, ay tuluyan na ngang nauwi sa pag-iibigan. At ito nga ay nangyari sa tamang panahon, at tamang lugar saksi ang kanilang mga mahal sa buhay.

Samantala, sa maikli video na ibinahagi ni Arci, mapapanood ang nakakakilig na eksena sa pagitan nila ni JM. Makikita na napuno ng kilig ang paligid matapos banggitin ni JM ang:

“Matagal na tayong mag-bestfriend pero… puwede bang manligaw?”

May dala ring bouquet of flowers si JM upang ibigay kay Arci. Mas lalo namang kinilig ang mga taong nakapaligid sa kanila at napuno ng hiwayan ng sabayan ito ng saliw ng musikang “Kailan”.

Samantala, may pahabol rin si Arci sa kanyang post at sinabi na dapat abangan ang buong kaganapan sa kanyang vlog na ibabahagi kinabukasan.

Nagbahagi rin si JM sa kanyang Instagram account ng sweet photo nila Arci na nilakipan naman niya ng simpleng caption ng heart at kiss emojis.

Matagal ng mag-bestfriend sina Arci at JM na nagsimula noong college pa sila sa UP Diliman. Minsan na ring nagkasama ang dalawa sa mga proyekto na talaga namang makikita ang kanilang magandang samahan. Pareho rin silang sumabak sa Philippine Air Force Reserve Command (AFRC).

Ang kanilang sweet moments nga ay kinakiligan hindi lamang ng mga netizens kundi pati na rin ng kanilang malalapit na kaibigan sa showbiz.

error: Content is protected !!