Connect with us

Entertainment

Fresh Wedding Video, ito ang Iniregalo ni Lucy Torres kay Richard Gomez para sa ika 22-taon ng Kanilang Kasal

Published

on

Ang pagdiriwang ng wedding anniversary ay isang mahalagang okasyon sa buhay ng mag-asawa. Kaya naman, labis itong pinaghahandaan ng mag-asawa upang maging masaya ang pagdiriwang ng kanilang anibersaryo. At upang pasayain ang kanilang asawa, naglalaan sila ng oras para makapagbigay ng regalo o anumang bagay na makakapagpasaya sa bawat isa. Ngunit, ang labis namang nakakasabik sa espesyal na araw na ito ay ang ipinapakitang pagmamahal ng mag-asawa sa isa’t isa na hatid ay wagas na pag-ibig na panghabang-buhay.




Kagaya na lamang ni Lucy Torres na talagang ipinakita ang labis na pagmamahal sa asawang si Richard Gomez sa kanilang ika-22nd Wedding Anniversary. Sa pagdiriwang nga ng kanilang anibersaryo, sinurpresa niya ang kanyang asawa ng simple ngunit makabuluhang regalo. Dahil sa pamamagitan ng isang video clip, muling sinariwa ni Lucy ang kanilang pag-iisang dibdib.

“I watch this clip from our wedding and always, it is a beautiful walk down that time in our love story,”

panimula ni Lucy sa isang Instagram post nito.

Ginanap ang pag-iisang dibdib ng dalawa noong Abril 28, 1998 at ang kanilang pagmamahalan ay kanilang pinatunayan na kung saan ay napagtagumpayan ang mga pagsubok na dumaan sa kanilang buhay.

Samantala, binigyang-pugay naman ni Lucy ang pagiging mabuting asawa at ama ni Richard sa kanilang pamilya. Nagsisilbi raw itong liwanag at nagbibigay ng katiwasayan sa kanila.




“Thank you for 22, my Richard Gomez. You enter a room and you just bring the sunshine in. With you, everything is just better. Know that you are my love song, every bit of that magic I ever believed in,”

dagdag na mensahe ni Lucy.

Makikita naman sa video clip, ang paghahanda ng dalawa sa kanilang kasal. Maging ang mga tagahanga ni Richard ay labis rin ang pananabik na makita ito, kung saan ay tinilian pa si Richard ng sumilip ito sa bintana na tinutuluyang gusali.

Samantala, kapansin-pansin naman ang kaba sa mukha ni Richard sa espesyal na araw na iyon, ang pag-iisang dibdib nila ni Lucy at ang araw rin ng pagwawakas ng kanyang buhay pagkabinata.

Ang regalong video clip ni Lucy sa asawa ay naglalaman ng pinagsama-samang files na kuha sa kanilang kasal. Nakiusap rin si Lucy kay Jason Magbanua na kilala sa kanyang mga kahanga-hangang wedding films na gawing “fresh video” ang video na ireregalo niya kay Richard.




“I so loved his work [Jason Magbanua], and on a whim I asked if he could put something together in a fresh video that I could give Richard as an anniversary present. Thank you for this, Jason, this is precious,” ayon pa Lucy.

Ngunit, maliban sa kahanga-hanga nilang samahan bilang mag-asawa na talagang pinatunayan ang pag-ibig sa isa’t isa, hinahangaan rin ang mag-asawa pagdating sa politiko dahil sa kanilang determinasyon at pagmamahal sa bayan kung saan ay patuloy na tinutupad ang kanilang tungkulin.

View this post on Instagram

I watch this clip from our wedding and always, it is a beautiful walk down that time in our love story. Thank you for 22, my @richardgomezinstagram. You enter a room and you just bring the sunshine in. With you, everything is just better. Know that you are my love song, every bit of that magic I ever believed in. Backstory of this video: Some years back I realized I had all these raw files from our wedding festivities, as covered by ABS-CBN back then. Around that time also I had just met Jason Magbanua whose work we featured in The Sweet Life, a show I was hosting then with Wilma Doesnt and Iza Calzado. I so loved his work, and on a whim asked if he could put something together in a fresh video that I could give Richard as an anniversary present. Thank you for this, Jason, this is precious.

A post shared by Lucy Torres Gomez (@lucytgomez) on

error: Content is protected !!