Connect with us

Entertainment

Francine Diaz, Sinurpresa Ni Dra. Vicki Belo Ng Isang “Encanto” Inspired Setup Sa Pagdiriwang Ng Kanyang 18th Birthday

Isa nang ganap na dalaga ngayon ang teen star na si Francine Diaz, na taglay kahanga-hangang kagandahan. Nito lamang ika-27 ng Enero ay ipinagdiwang na nga ni Francine ang kanyang ika-18 taong kaarawan. At ito nga napakaespesyal para kay Francine dahil dito magsisimula ang kanyang journey bilang isang mature, at tunay na dalaga.

Photo Credits: Vicky Bello| Tiktok| IG

Matatandaan naman na bago sumapit ang takdang araw ng kanyang birthday, ay may naganap ring pre-debut photoshoot si Francine, kung saan ay ipinamalas niya ang kanyang mala-diwatang kagandahan sa kanyang ethereal themed photoshoot.

At tila nga hindi natatapos ang mga bonggang pasabog sa kanyang birthday, dahil sa dami ng taong nagmamahal kay Francine, may naganap ring surprise birthday para sa kanya.

Photo Credits: Vicky Bello| Tiktok |IG

Nakatanggap nga si Francine ng isang birthday surprise celebration mula kay Dra. Vicki Belo at sa pamilya nito. Sa Instagram nito lamang Huwebes, ika-27 ng Enero, ay ibinahagi ng unica hija ng celebrity doctor na si Scarlet Snow Belo, ang masayang kaganapan sa inihandang birthday party para kay Francine.

Photo Credits: Vicky Bello |Tiktok| IG

Kapansin-pansin sa mga larawan na ang tema ng selebrasyon ay hango sa Disney film na Encanto. Caption nga sa Instagram post ni Scarlet, ang kanilang bahay raw ay naging Casita Belo na hango nga ang set up sa pelikulang Encanto. Inanyayahan rin ni Scarlet ang netizens na panoorin ang vlog sa Youtube channel ng kanyang Mommy Vicki.

Photo Credits: Vicky Bello| Tiktok| IG

“We turned our house into Casita Belo (like the one in the movie Encanto) for ate’s birthday. Watch out for Mommy’s YouTube vlog,”caption sa post ni Scarlet.

Samanta, hindi naman nagpahuli si Dra. Vicki Belo sa pagbabahagi ng kaganapan sa kaarawan ni Francine. Isang Tiktok video naman ang ibinahagi ng celebrity doctor kung saan ay bigay todo sa paghataw ang dalawa sa dance cover ng KC & The Sunshine Band na Give It Up. Caption naman ni Dra. Vicki sa kanyang post, na tinag pa ang mahusay na dancer na si Niana Guerrero:

Photo Credits: Vicky Bello| Tiktok | IG

“Aquarius season with my fellow birthday girl. Did we get that right? nianaguerrero?

Nitong nakarang Enero 25, ay ipinagdiwang ni Dra. Vicki Belo ang kanyang 66th birthday, at si Francine ay noong Enero 27 naman. Kaya naman, pareho sila ng zodiac sign na Aquarius at hindi maikakaila na close na close rin ang dalawa.

Nakatanggap rin pagbati si Francine mula sa kanyang mga tagahanga at malalapit niyang kaibigan sa industriya ng showbiz. Kabilang na nga rito ang singer na si Jayda Avanzado na ipinaabot ang nakakaantig na mensahe ng pagbati sa kanyang kaibigan sa pamamagitan ng isang Instagram post.

Photo Credits: Vicky Bello| Tiktok| IG

“Happy 18th birthday to this ghorl, a true aquarian/January baby, and a true best friend through and through. My wish for you is that you always remember, that even if you’re busy, or investing your time and heart in caring about other people, it’s okay to put yourself first sometimes, and make decisions that will be best for you and your life. You deserve to be happy.”

“Know that I’ll always be here for you through thick and thin! Just like you are with me. I love you, kahit minsan umaabot ka ng mga two weeks bago ka mag-reply at dinededma mo mga tawag ko (‘wag mo nang ideny, alam ko na at naiintindihan ko ‘yun HAHA.”

error: Content is protected !!