Connect with us

Entertainment

Francine Diaz, Pinabilib Ang Netizens Sa Kanyang Mala-diwatang Kagandahan Sa Kanyang Pre-debut Photoshoot

Hindi napigilan ng maraming netizens ang mapahanga sa taglay na kagandahan ng Kapamilya Star na si Francine Diaz sa kanyang pre-debut photoshoot.

CREDITS: Francine Diaz| IG

Sa darating na ika-27 ng Enero, ay ipagdiriwang ni Francine ang kanyang ika-18 taong kaarawan. Napakaespesyal naman talaga ng araw na ito para kay Francine kung saan nga ay simula ng kanyang journey bilang isang ganap na dalaga. At bilang paghahanda nga sa pagsapit ng kanyang 18th birthday, ay isang pre-debut photoshoot ang ginawa ni Francine.

CREDITS: Francine Diaz| IG

Kamakailan lamang nga, ay pinag-uusapan sa social media ang mga larawan ni Francine na kuha sa kanyang pre-debut photoshoot. Masisilayan kasi sa mga larawan ang taglay na kagandahan ni Francine na maihahalintulad sa isang diwata.

CREDITS: Francine Diaz| IG

Sa larawang ibinahagi sa Instagram ng Nice Print Photography na siyang kumuha ng mga larawan, ay makikitang heavenly ang dating ng dalagang aktres. Ang pre-debut photoshoot ni Francine ay may temang ethereal. Sa caption nga ng IG post ng Nice Print Photography, ay talaga namang napahanga rin sila sa taglay na ganda ng aktres.

“Muted colors and soft frames. She makes everything seem ethereal. Look for her when the day breaks; it’s a dreamland wherever she is.”

Napakaganda naman talagang pagmasdan ni Francine na mas lalong pinalutang ang kanyang taglay na kagandahan suot ang peach off shoulder gown na disenyo at likha ni Steph Tan. Kapansin-pansin nga ang taglay niyang ganda, na nagmistulang isang diwata.

CREDITS: Francine Diaz| IG

Maganda rin ang setup ng kanyang photoshoot na kinunan naman sa Rancho Bernardo Luxury Villas & Resort sa Bataan. Sa lawak nga ng lugar, at ganda ng disenyo ng mga bulaklak, ay bagay na bagay kay Francine ang tema ng kanyang photoshoot.

CREDITS: Francine Diaz| IG

Sa isang larawan naman ay makikitang nasa ilalim ng puno si Francine habang masisilayan sa kanyang mukha ang matamis na ngiti habang nakaharap sa camera. At hindi naman talaga binigo ni Francine ang kanyang mga fans na masilayan ang kanyang natatanging kagandahan.

CREDITS: Francine Diaz| IG

Nagbahagi rin si Francine ng kanyang larawan sa kangang Instagram, at nilakipan naman ito ng caption na:

“Find me in my dreamland, I’ll wait..”

Dahil nga sa taglay na kagandahan ni Francine sa mga larawan para sa kanyang pre-debut photoshoot, ay dinagsa ito ng mga komento na puno ng papuri at paghanga mula sa mga netizens.

“Grabeeee speechless sa gandaaa!!”

“Real life princess talaga”

“Your beauty is incomparable.”

“So inlove witht this concept dreamy.”

CREDITS: Francine Diaz| IG

Si Francine ay nakilala sa industriya ng showbiz sa kanyang pagganap sa mga teleserye katulad na lamang ng Be My Lady (2016) We Will Survive (2016), Ikaw Lang ang Iibigin (2017), The Blood Sisters (2018). Mas lalo naman siyang sumikat at nakilala sa teleseryeng Kadenang Ginto, kung saan gumanap siya bilang Cassie Mondragon.

error: Content is protected !!