Connect with us

Entertainment

Francine Diaz, Masayang Ipinasilip Ang Mga Regalong Kanyang Natanggap Sa Kanyang 18th Birthday Mula Sa Kanyang Mga Fans

Sa dami nga ng taong nagmamahal at sumusuporta sa dalagang aktres na si Francine Diaz, ay talaga namang napakapalad niya. Ang pagmamahal nga ng mga taong walang sawang sumusuporta sa kanya, walang iba kundi ang kanyang mga tagahanga, ay nadama niya noong ipinagdiwang niya ang kanyang 18th birthday.

Photo Credits: Francine Diaz| IG

Matatandaan na noong Enero 27, masayang ipinagdiwang ni Francine o mas kilala naman bilang Chin, ang kanyang pagiging isang ganap na dalaga sa edad niyang 18. Makikita na nagkaroon ng birthday photoshoot si Chin bilang bahagi ng kanyang 18th birthday kung saan nasilayan ang kanyang taglay na kagandahan. Maliban dito, ay sinurpresa pa siya ni Dra. Vicki Belo ng isang bonggang birthday celebration, kung saan nga ay nagkaroon naman siya ng isang Encanto inspired birthday party.

Photo Credits: Francine Diaz| IG

Ngunit, maliban sa pasabog na ito ni Chin, ay hindi rin na nawala ang mga nag-uumapaw na pagbati mula sa mga taong nagmamahal sa kanya. Hindi rin halos makapaniwala si Chin na sa kanyang 18 birthday ay makakatanggap rin siya ng napakaraming regalo mula sa kanyang mga tagahanga.

CREDITS: Francine Diaz|YT

Hindi naman pinalampas ni Chin ang pagkakataon na ipasilip sa kanyang mga followers ang pagbubukas ng kanyang mga natanggap na regalo sa kanyang 18th birthday. Nito lamang ika-12 ng Pebrero nang ibahagi ni Chin sa kanyang Youtube channel ang isang vlog na naglalaman ng kanyang pagbubukas na regalo at bagong achievement bilang isang vlogger.

CREDITS: Francine Diaz|YT

Labis-labis na pasasalamat ang ipinaabot ni Chin sa kanyang mga tagahanga na nagpadala sa kanya ng mga regalo para sa kanyang birthday. Aminado nga ang dalagang aktres na ito ang unang beses na nakatanggap siya ng napakaraming regalo sa kanyang birthday.

CREDITS: Francine Diaz|YT

Inisa-isa nga ni Chin ang pagbubukas ng mga regalo at makikita na ilan sa kanyang mga natanggap na regalo ay damit, notebooks, libro, ballpen at ilang mga sulat. Labis rin ang kaligayahan at pasasalamat ni Chin sa nagregalo sa kanya ng drawing ng kanyang portrait na talaga namang napakaganda.

CREDITS: Francine Diaz|YT

Isa namang biyaya ang natanggap ni Chin, at isa na rin itong napakagandang birthday gift. Natanggap na kasi niya ang kanyang Gold play Button mula sa YouTube sa pagkakaroon niya ng 1 million subscribers.

CREDITS: Francine Diaz|YT

Ibinahagi rin ni Chin ang mga mensahe ng pagbati mula sa kanyang mga fans. At narito ang ilan sa mga ito:

“You deserved all the blessings you have right now kasi pinaghirapan mo rin yan. We are so happy kasi nagustuhan mo yung gift na binigay ng Team Francine (all fandoms of Francine). Andito lang kami always to support you. Love u.”

Kulang pa ‘yan chin, may parating pa na maraming regalo at blessings sayo lalo na sa celebration ng 18th birthday mo hihi. we love you chinny, youu deserve more than the world could give for. continue shining my love!”

“Deserve mo yan ate kasi napaka sipag mo, mataas pa po ang maarating mo sa mga pangarap mo salamat sa pagbibigay ng inspiration keep safe and god bless you and your family.”

error: Content is protected !!