Connect with us

Entertainment

Francine Diaz, Ibinahagi ang mga Hirap na Napagdaanan Bago Makamit ang Kasikatan at Sariling Bahay Para sa Kaniyang Pamilya

Para sa isang vlog ng newscaster na si Karen Davila, ipinasilip ng sikat na aktres na si Francine Diaz ang kaniyang bagong bahay. Ayon kay Francine, isang taon pa lamang silang naninirahan dito at talagang namangha ang journalist sa eleganteng disenyo ng bahay.

Photo credits: Karen Davila | Youtube

Ayon sa batang aktres, ang ilan sa mga mwebles dito gaya ng kaniyang sofa ay regalo ng mga taong malalapit sa kaniya habang ang iba pang kagamitan gaya ng hinahangaang shelf ni Karen ay mula sa ideya ng kaniyang mommy.

Photo credits: Karen Davila | Youtube

Espesyal din ang shelf na ito dahil dito makikita ang maraming awards na natanggap ni Francine bilang isang aktres.

Photo credits: Karen Davila | Youtube

Photo credits: Karen Davila | Youtube

Bukod sa living area, mayroon ding movie room ang bahay na ito. Pagdating naman sa dining area ng bahay, makikita ang kanilang upgraded dining table at chairs. Bumilib naman dito si Karen dahil isa itong magandang ideya para sa ibang homeowners.

Photo credits: Karen Davila | Youtube

Photo credits: Karen Davila | Youtube

Photo credits: Karen Davila | Youtube

Hindi maipagkakaila ang kagandahan ng kasalukuyang tahanan ni Francine ngunit bago pa man niya ito matamasa, dumaan muna siya sa napakaraming pagsubok. Ayon sa kaniya, una silang nanirahan sa Tondo at sunod namang lumipat sa Binakayan. Sa kasamaang palad, nasalanta sila ng bagyong Ondoy kaya naman naranasan nilang magpalipat-lipat ng tirahan.

Photo credits: Karen Davila | Youtube

Nawalan din ng trabaho ang kaniyang tatay bilang OFW at bagamat nagtatrabaho na siya bilang aktres noon, kadalasan ay maliliit na roles lamang ang kaniyang nakukuha kaya naman maliit lamang ang sahod na kaniyang natatanggap.

Photo credits: Karen Davila | Youtube

May pagkakataon din kung saan lumaki nang lumaki na ang kanilang mga utang. Sa madaling salita, naranasan ng kanilang buong pamilya ang hirap ng buhay.

Photo credits: Karen Davila | Youtube

Dito na rin napagtanto ni Francine na kailangan niyang tumulong sa kaniyang mga magulang. Kaliwa’t kanan ang pinupuntahang auditions ni Francine at minsan na rin siyang tumanggap ng masasakit na salita mula sa mga direktor.

Photo credits: Karen Davila | Youtube

Sa kabila nito, hindi siya napanghinaan ng loob hanggang sa nabigyan siya ng role sa sikat na sikat na teleseryeng Kadenang Ginto. Simula noon, sunod-sunod na ang naging proyekto ni Francine.

Malayong-malayo na nga ang narating ni Francine kaya naman makikita ang kasiyahan niya at ng kaniyang pamilya.

Photo credits: Karen Davila | Youtube

Sa gitna ng tagumpay na kaniyang tinatamasa ngayon, hindi rin nakakalimutan ni Francine ang mga taong tumulong sa kaniya noong mga panahong walang-wala pa sila gayundin ang mga mabubuting taong nagbigay sa kaniya ng payo at gabay.

error: Content is protected !!