Connect with us

Entertainment

“Forgiveness is a work in progress”: LJ Reyes, Inamin na Hindi Pa Handang Patawarin Ang Kanyang Dating Partner na si Paolo Contis

“Forgiveness is a work in progress. Hindi madaling ibigay ang forgiveness”, ito ang naging pahayag ng aktres na si LJ Reyes patungkol sa tanong kung napatawad na niya ang dating partner na si Paolo Contis.

Credits: Facebook

Mahigit isang buwan na nga ang nakakalipas magmula ng mapabalita ang hiwalayan nina LJ at Paolo. Ang kanilang matamis na pagmamahalan ay nagbunga ng isang anak na babae, ngunit matapos ang halos anim na taong pagsasama ay nauwi nga ito sa hiwalayan.

At isang buwan ang lumipas, ay nagpaunlak si LJ ng isang panayam. Kamakailan lamang, araw ng Martes nang mainterview ni Nelson Canlas si LJ sa GMA News sa 24 Oras. Hindi nag-alinlangan si LJ na ipahayag ang kanyang saloobin, kung saan ay sinabi nga nito na hindi pa siya handang patawarin ang kanyang dating partner na si Paolo.

Credits: Google

Matatandaan naman na matapos maghiwalay sina LJ at Paolo ay agad na lumipad ang aktres patungong Amerika kasama ang kanyang dalawang anak na sina Aki at Summer upang magsimula ng bagong buhay at mag-move on sa nangyari.

Sa naging panayam ay ibinahagi ni LJ na nagsimula nang maging normal ang buhay nilang mag-iina sa Amerika at unti-unti na ring nakakapag-move on. Kwento ni LJ, ang kanyang panganay na anak na si Aki, ay nagsimula ng pumasok sa face to face classes. Masaya ring ibinahagi ni LJ na kahit abala siya sa pag-aalaga sa kanyang bunsong anak na si Summer, ay naglalaan rin siya oras para magsanay sa kanilang family restaurant sa Brooklyn, New York.

Credits: Lj Reyes | Ig

Samantala, hindi naman pinalampas ni Nelson ang pagkakataon na matanong si LJ kung handa na ba itong magpatawad sa nangyari sa relasyon nila ni Paolo. At ang naging kasagutan nga ng aktres, ay hindi pa nga siya handang magpatawad. Ayon kay LJ ang kapatawaran ay hindi basta-basta ibinibigay dahil kinakailangan ng tamang panahon para makamit ang kahandaan para magpatawad.

“Forgiveness is a work in progress. Hindi madaling ibigay ang forgiveness. I mean lahat naman tayo we get hurt, angry, but you work on it every day to forgive people, yourself, or whoever. You pray about it.”

Credits: Lj Reyes | Ig

At dahil nga, napakahirap ibigay ang kapatawaran sa isang taong nagkasala sa kanya, ay ipinagpasa-Diyos na lamang ng aktres ang lahat. Matinding dasal rin ang ginagawa ng aktres para makamit ng kanyang puso ang inaasam na kapatawaran.

“Hindi kasi siya madaling bagay na ibigay so surrender lang talaga kay God and I’m working on it.”

Bagama’t, hindi naman nagbigay ng anumang detalye pa si LJ sa hirap na kanyang pinagdadaanan ngayon, ay mababakas parin sa kanyang mga mata ang kalungkutan. Matatandaan na noong ika-1 ng Setyembre nang ilabas niya ang kanyang pahayag at kumpirmasyon sa paghihiwalay nila ni Paolo sa exclusive interview ni Boy Abunda.

Credits: Lj Reyes | Ig

Hindi naman maikakaila na sa kabila ng sakit at pait na naranasan sa paghihiwalay nila ni Paolo, ngayon nga ay natagpuan ni LJ sa New York ang kanyang hinahanap na privacy.

error: Content is protected !!