Connect with us

Stories

“For now and the next few years — sadly, it’s goodbye.” Kris Aquino Namamaalam sa Kanyang mga Kaibigan at Followers, Inamin na Oras na ngayon ang Kanyang Kalaban

“Ill miss you – my friends & followers very much. Time is now my enemy.” Ilan lang ito sa mga caption ng aktres na si Kris Aquino sa kanyang naging instagram post last June 3, 2022, habang nagbibigay ng update sa kanyang nagiging malalang kondisyon.

Kamakailan lang ay lumipad si Kris Aquino patungong Estados Unidos upang doon mag hanap ng long-term  treatment matapos siya madiagnosed ng Eosinaphilic Granulomatosis with Polyangiitis (EGPA) isang napaka rare na kondisyon.

Para mas edetalye pa ang kanyang kondisyon, ibinahagi pa ni Kris sa kanyang instagram account ang detayadong medical statement ng kanyang attending physician na si Dr. Nino Gavino isang Fil-Am na doktor na naka base sa Houston Texas.

Sa pahayag ni Dr. Nino Gavino ibinahagi niya na.,

“The subsequent 9-12 months will be crucial for us to see if she (Aquino) can achieve remission and continue the regimen further because to survive, Ms. Aquino will have to make whichever combination works, her lifetime maintenance medicine.

“With no medical intervention overall, the life expectancy of those with EGPA is at about 25%. With the proper treatment, 5-year survival rate is at 62%. Only 1 in every 1 million people get this form of vasculitis per year. That is how rare and hard to treat Ms. Aquino’s case is.”

Isa sa mga pinakamabigat na binitawang caption ni Kris Aquino ay ang mga katagang,

“I’ll miss you, my friends & followers, very much. Time is now my enemy, naghahabol kami hoping na wala pang permanent damage to the blood vessels leading to my heart. So many people to thank but I choose to do that privately. #grateful,”

“For now and the next few years — sadly, it’s goodbye. Praying na kayanin ng katawan ko itong matinding pagsubok.”

Hindi madali para kay Kris ang kanyang pinagdaraanan, ang talagang inaalala niya ay ang kanyang dalawang anak na si Bimby at si Joshua. Walang tigil din ang pagpapaabot ng suporta at panalangin ng mga fans ni Kris at mga malalapit niyang kaibigan sa showbiz kung saan pinapalakas ng mga ito ang loob na mas lalo pang tatagan ang loob upang labanan nito ang kanyang sakit na hinaharap ngayon.

Nagpasalamat din si Kris sa mga nagdasal para sa kanyang mabilis na pagaling. Narito ang kanyang post sa instagram.

We are all praying for your healing Ms. Kris Aquino, nawa’y sanay gumaling kayo agad at bumalik sa dating sigla ang inyong kalusugan at katawan.

error: Content is protected !!