Connect with us

Entertainment

“For my wife”: Neil Arce, Proud na Ibinahagi ang Kanyang Bagong Tattoo na Alay Para sa Kanyang Asawang si Angel Locsin

Ang mag-asawang Angel Locsin at Neil Arce ay ikinasal noong nakaraang buwan ng Hulyo sa pamamagitan isang civil wedding ceremomy na ginanap sa Taguig, at ito’y nasaksihan ng kanilang pamilya at malalapit na kaibigan.

Credits: The Angel And Neil Channel | YT

Hindi naman maitatanggi na sa loob ng ilang taong pagsasama, ay makikita na mahal na mahal nina Angel at Neil ang isa’t isa. Tila naman hindi talaga matatawaran ang pagmamahal ni Neil sa kanyang maybahay. At kamakailan lamang ay nakaisip ng paraan si Neil upang mas lalong ipakita ang pagmamahal at respeto sa kanyang asawang si Angel. Ito nga ay matapos magpa-tattoo si Neil sa kanyang dibdib ng mga pakpak ng animo’y anghel, at ito ay para nga kay Angel.

Nito lamang araw ng Sabado, ika-11 ng Setyembre nang ipasilip ni Niel sa isang vlog ang ginawa niyang pagpapatatto. Sa loob naman ng 15 taong pagpapalagay ng tattoo, na ngayon ay may 11 piraso ng tattoo na sa kanyang katawan, ay inamin naman ni Neil na ito ang unang pagkakataon na magpapalagay siya ng tattoo para sa isang babae. At ito ay pang 12 na niyang tattoo sa kanyang katawan.

Credits: The Angel And Neil Channel | YT

“First time ko magpa-tattoo for a girl. For my wife. I will only do that for my wife syempre. I know I’ll be with her forever.”

Isinama ni Neil ang mga viewers sa isang tattoo shop kung saan ay gumugol siya ng halos limang oras para matapos ang kanyang bagong tattoo na alay para sa kanyang asawa. Makikita naman na bagama’t masakit ay hindi ito alintana ng film producer dahil sanay na rin naman itong magpalagay ng tattoo sa katawan.

Ipinakita ni Neil sa kanyang vlog ang proseso ng kanyang pagpapalagay ng tattoo mula sa lining, shading hanggang sa makita na nga ang napakagandang resulta nito. At makikita na talagang napakaganda ng kinalabasan ng tattoo ni Neil, lalo pa nga’t sakto rin ang mga pakpak sa kanyang dibdib.

Credits: The Angel And Neil Channel | YT

Naikwento rin Neil sa kanyang vlog, na ang bawat tattoo na makikita sa kanyang katawan ay may iba’t ibang kahulugan, at ang mga ito nga ay mahalaga sa buhay niya. Ang kauna-unahan niya ngang tattoo na kanyang ipinalagay ay hugis cross, na sumisimbolo ng kanyang pananampalataya sa Diyos. Maliban rito, ay inamin pa nito na kaya walang makitang accessories sa kanyang katawan, ay mismong mga tattoo na niya ang nagsisilbi niyang accessories.

Naging bukas rin si Neil sa kanyang opinyon sa mga taong nagpalalagay ng tattoo, at maging sa mga establishments o trabaho na hindi tumatanggap ng mga empleyado na nakikitaan ng tattoo sa kanilang katawan kung saan nga ay hinuhusgahan ang kanilang pagkakaroon ng tattoo sa katawan.

Credits: The Angel And Neil Channel | YT

“Sabi ko sa sarili ko, I will never work in a place where tattoos that are seen aren’t allowed. Hindi ko ilalagay ang sarili ko sa sitwasyon na ija-judge ako sa looks ko, or sa personal preference ko na ilagay sa katawan ko.”

error: Content is protected !!