Connect with us

Entertainment

First Vlog Nina Mommy Pinty at Daddy Bonoy sa Kanilang YouTube Channel, Nagbigay ng Aliw sa mga Netizens

Ang magkapatid na Alex Gonzaga at Toni Gonzaga ay kilalang-kilala na hindi lamang sa industriya ng showbiz kundi maging sa online world. Sa kasalukuyan ay parehong umaarangkada ang kasikatan ng magkapatid na Gonzaga online.

Credits: Bopin | YT

At ang dahilan nga nito ay ang pagiging aktibo nila sa kanilang mga YouTube channel para magbigay ng inspirasyon at saya sa kanilang mga tagasubaybay. Si Toni ay may sariling Youtube channel na kanyang pinangalanan ng “Toni Talks”. At dito niya ibinabahagi ang kanyang mga vlog kung saan ay nakakapanayam niya ang mga kilalang personalidad para magbigay ng inspirasyon at leksyon sa buhay. Samantalang si Alex naman, ay apat na taon nang nagbibigay kasiyahan sa kanyang mga tagahanga sa kanyang mga vlog na puno ng katatawanan na mapapanood sa kanyang sariling YouTube channel.

Tila naman nasa dugo na ng pamilya Gonzaga ang pagiging vlogger. Dahil maging ang mga magulang nina Alex at Toni na sina Daddy Bonoy at Mommy Pinty ay pinasok na rin ang mundo ng vlogging para magbigay rin ng saya sa kanilang mga tagahanga.

Credits: Bopin | YT

Nito lamang ika-21 ng Agosto ay inilabas na nina Daddy Bonoy at Mommy Pinty ang kanilang kauna-unahang vlog sa kanilang YouTube Channel na hango sa kanilang mga pangalan, ang BoPin kung tawagin. Sa isang vlog ni Alex, ay kanyang inanunsyo ang launching ng YouTube channel ng kanyang mga magulang.

“Magla-launch na sila finally netizens after ilang taon ng pagmuni-muni finally nandito na si Bonoy at Pinty na kung tawagin ay BoPin sa netizens.”

At para sa first vlog ng mag-asawang Daddy Bonoy at Mommy Pinty, ay ibinahagi nila ang isang video na naglalaman ng mahigit anim na minuto kung saan makikita ang kanilang pagdalo sa birthday ng kapatid ni Mommy Pinty na ginanap sa isang korean restaurant.

Credits: Bopin | YT

Napuno naman ng tawanan ang kanilang vlog dahil sa tila hindi alam ni Daddy Bonoy ang kanyang sasabihin at gagawin sa harap ng camera. Samantalang si Mommy Pinty naman ay natatawa na lang rin sa ginagawa ng kanyang asawa dahil sa pagkuha nito ng video sa lakad nila. Mas lalo namang naghatid ng saya ang bawat eksena sa vlog lalo na nga’t naroon rin si Alex na kung saan ay umiral ang pagiging komedyante.

Tila naman agad na nagustuhan ng mga netizens ang nakakatuwang unang vlog ng mag-asawa para sa pagbubukas ng kanilang YouTube Channel dahil ngayon nga ay may mahigit 600K subscribers na sila.

Hindi naman maitago ni Alex ang kanyang pagiging proud sa nakamit na tagumpay ng kanyang mga magulang na ngayon ay mga vlogger na rin. At sa isang Instagram post, ay ibinahagi ni Alex ang kanyang pagiging proudest daughter.

Credits: Bopin | YT

“I am the proudest daughter! Within 24 hrs ng wala pa sila video meron na sila silver play button! Now they have 230k+ subs!!! Ang galing nyo mga ka-maintenance! Sobra masaya sila at tutok and basa sa comments nyo. Ibigay na natin sa mga tanders! Follow and watch nyo na sila.”

Ang first vlog ng BoPin ay may 2.7 million views na, makalipas lamang ang limang araw.

error: Content is protected !!