Connect with us

Entertainment

First Time Mom na si Sam Pinto, Ibinahagi ang Naging Karanasan Nang Isilang Ang Kanyang Panganay na Anak na si Baby Mia Aya

Maituturing na isang malaking biyaya ang pagkakaroon ng anak. Ngunit, sa likod ng isang napakacute at malusog na sanggol ay ang matinding hirap na naranasan ng isang ina sa panganganak. Tunay nga na ang paa ng isang ina ay nasa hukay sa tuwing nanganganak.

Kaya naman, abot langit ang pagpapasalamat ng seksing aktres na si Sam Pinto nang isilang niya nang ligtas at malusog ang panganay na anak nila ni Anthony Semerad na si Baby Mia Aya. Hindi nga naging madali ang pinagdaanan ni Sam nang isilang niya ang kanyang anak.

At kamakailan lamang, ay ibinahagi ni Sam sa Instagram ang kanyang naging karanasan nang isilang niya si Baby Mia. Isang buwan matapos isilang ni Sam ang kanyang anak ay binalikan niya ang panahon na siya’y nanganak at inilarawan ito na “overwhelming and intense but my body is made for this.”

Pagbabahagi ni Sam sa kanyang Instagram ay isinilang niya si Baby Mia via normal delivery matapos mag-labor ng 16 na oras at umere ng ilang ulit.

Kwento ni Sam, hanggat maaari ay iniiwasan niyang sumailalim sa ceasarian section sa kabila ng posibilidad na maaari itong mangyari. Ang talagang plano ni Sam ay manganak sa pamamagitan ng normal delivery na kanya namang matagumpay na nagawa.

“Time to share my birth story! I was 40 weeks and 3 days pregnant when we decided to check in the hospital. We wanted to go for a normal delivery as much as possible — which I did. But there were some issues that can make me have a C-section. Like I was pre-eclampsia — or some reason I developed hypertension during my pregnancy even if I think that’s the healthiest I’ve ever been. Maybe cause my mom also was pre-eclampsia.”

Photo credits: Sam Pinto | IG

Nagbigay naman si Sam ng ilang rason na nagdulot sa kanya ng pangamba na maaaring dahilan para siya’y ma-cs katulad na lamang ng pagkakaroon ng low placenta ngunit sa huli ay nagawa niya itong pataasin.

“Secondly, Mia was small. When I was 36 weeks pregnant, her size was 32 weeks. Had to drink these special vitamins and in 2 weeks, her size was perfect. Lastly, my placenta was low for the longest time. It’s supposed to go up early on the pregnancy. But mine took its time. Finally, on my 36th week, it went up. Oh if it doesn’t go up, I would have to do a C-section cause it’s blocking the birth canal.”

Hindi naman maiwasan ni Sam ang alalahanin ang matinding kaba na kanyang naranasan habang naglalabor dahil hindi niya umano alam ang mangyayari.

“But I was already feeling some weird throbbing and didn’t know that was already contractions and was in the first stage of labor.”

Photo credits: Sam Pinto | IG

Ibinahagi rin ni Sam na habang siya’y naglalabor ay wala sa tabi niya ang kanyang asawang professional basketball player na si Anthony Semerad at hindi rin ito nanatili sa hospital para na rin hindi mahawa ng kumakalat na sakit.

“I was alone the whole time — honestly I didn’t mind… at least no pressure. Had my phone with me to keep me entertained. Plus I was on epidural so I kept dozing off.”

Ngunit, nang malapit na raw lumabas ang kanilang panganay na anak ay nasa loob na rin ng delivery room si Anthony para salubungin ang pagdating ng kanilang baby girl. At matapos nga ang 16 na oras na labor, at naranasang hirap ay matagumpay niyang isinilang ang malusog na si Baby Mia.

Photo credits: Sam Pinto | IG

“Finally, after 16 hours, Mia was ready to come out. And Anthony was able to enter the delivery room. After 3 pushes, she was out! Anthony cut her umbilical cord. Stayed in the hospital for technically 3 days. 1 day for labor and 2 days for recovery room.”

Sa huli ay pinasalamatan naman ni Sam ang mga doctor at nurse na nag-asikaso at nag-alaga sa kanya habang nasa hospital. Binigyang pugay rin ni Sam ang mga nanay na tulad niya dahil sa matapang na pagharap sa hirap ng panganganak.

Photo credits: Sam Pinto | IG

Ikinasal sina Sam at Anthony sa pamamagitan ng civil wedding ceremony noong Marso na naganap sa Conrad Manila sa Pasay. Noong Mayo nang ianunsiyo ng mag-asawa na isang baby girl ang inaasahan nilang bubuo ng kanilang pamilya. At noong ika-1 ng Setyembre ay masaya nilang sinalubong ang pagdating ni Baby Mia Aya sa kanilang pamilya.

error: Content is protected !!