Connect with us

Entertainment

First Time Mom Na Si Rachel Peters, Masayang Ibinahagi ang Pagsisimula ng Kanyang Fitness Journey

Ang former Miss Universe Philippines 2017 na si Rachel Peters, at ngayon nga ay isa nang ganap na mommy sa baby girl nila ng kanyang asawang si Migz Villafuerte, ay nais nang maibalik ang dating magandang katawan bago siya magbuntis.

Isinilang ni Rachel ang panganay na anak nila ni Migz na si Kaia Rose noong nakaraang buwan ng Oktubre. At mag-iisang buwan nga matapos niyang magsilang ay ibinahagi ng Filipina-British beauty queen ang pagsisimula ng kanyang fitness journey para maibalik ang kanyang pre-pregnancy body.

Sa Instagram, ay ibinahagi ni Rachel ang kanyang throwback photo kung saan napakaseksi niyang tingnan sa kanyang suot na bikini. At sa nasabing post ay ipinahayag ni Rachel ang kanyang excitement na muling makabalik sa pag-eehersisyo upang maibalik ang kanyang dating katawan.

“Posting this as motivation and in honor of my first workout post-partum (happening tomorrow and which I am SO excited about!!).”

“I am amazed that my body grew and made the most perfect little girl, who was the size of a blueberry in this photo but ngl (not going to lie) I’m happy to have my body back—to lay on my stomach, eat prosciutto, to surf, do jumping jacks and to fit into my clothes again!”

Samantala, ngayon nga na talagang excited si Rachel sa kanyang pagbabalik-alindog, ay hindi naman raw siya napre-pressure sa halip nga, ay nais niyang makamit ang pagbabago sa kanyang katawan nang unti-unti. Humingi rin si Rachel ng suggestion mula sa kanyang mga followers kung anong maganda work out ang dapat gawin ng tulad niyang galing sa panganganak.

“Jumping back on the fitness train tomorrow with absolutely no pressure and will be taking things slow. So if any mamas have suggestions on what workouts I should do, pls pls share your wisdom.”

Matatandaan na noong nakaraang buwan ng Mayo nang ianunsiyo ng 30 taong gulang na beauty queen ang kanyang pagbubuntis sa panganay na anak nila ni Migz. Naengaged naman sa isa’t isa sila Rachel at Migz noong taong 2019, at ikakasal sana sa Indonesia noong nakaraang taon. Ngunit, dahil nga sa pandemya ay nagpasya ang dalawa na ipagpaliban muna ito.

Sa isang vlog na ibinahagi ni Rachel ay ipinaliwanag niya ang naudlot nilang pagpapakasal. Ngunit, sa kabila nga nito ay masaya parin ang dalawa dahil nga ang nasa isip nila ay ang pagsisimula ng pagbuo ng kanilang pamilya.

“Even though our plans to get married had to be postponed for now, we decided to make some changes to our lifestyle with one goal in mind: starting a family.”

“We are incredibly grateful for this blessing that’s come at such a crazy time in the world, and we’re so excited to see what the future has in store for us.”

At noong nakaraang buwan ng Hulyo kasabay ng pagdiriwang ng kanilang 7th anniversary ay naganap ang kanilang pag-iisang dibdib sa pamamagitan ng isang civil wedding ceremony na naganap sa Supreme Court.

Unang nakilala si Rachel ng publiko matapos maging representative ng Pilipinas bilang kandidata ng 2017 Miss Universe pageant kung saan nga ay napabilang siya sa Top 10.

error: Content is protected !!