Connect with us

Entertainment

First Time Mom na si Anne Curtis, Naipagsasabay ang Pagiging Fit at Pag Aalaga kay Baby Dahlia

Ang mga kababaihan ay sadyang laging nagaalala sa kanilang pangangatawan. Lalo pa’t kapag ang isang babae ay nagiging isang ina. Dahil minsan may mga babae talaga na hindi na naibabalik sa dati ang kanilang pangangatawan. Ang iba naman ay talagang nagwo-work out upang sila ay balik alindog.

Hindi na bago sa atin si Anne Curtis Smith, bilang isang sikat na artista at host sa telebisyon. Bukod pa rito isa rin siyang full time mommy sa kanyang anak na si Baby Dahlia.




Halos walang masyadong nagbago sa pangangatawan ni Anne simula nung magbuntis siya sa kanyang anak hanggang sa manganak ito. Pero kagaya ng karamihang babae inaalagaan pa rin ni Anne ang kanyang pangangatawanan at isa sa mga paraan niya ang pageehersisyo bawat araw.

Kaya sa tuwing pinapasyal niya ang kanyang anak na si Dahlia nakadiskubre si Anne ng paraan kung paano niya magpapasabay ang pagbabantay sa kanyang anak at kanyang pagwo-work out.

Sa video na inaupload ni Anne kanyang sa Instagram, makikita dito kung paano siya nageehersisyo habang pinapasyal niya ang kanyang anak.

“Squeezing in a work out is always tricky now that I have a little one. So happy to discover this fun way of working out while going on my daily walks with Dahlia. Thanks for the inspo @melissawoodhealth! It’s so good!”

Napaka importante kay Anne ang pagiging fit and healthy dahil kinakailangan din ito sa kanyang trabaho. Kaya ginawa na niyang daily routine ang pagpasyal kay Dahlia upang mapatulog rin niya ito sa umaga habang siya ay nagwo-work out.




“P.S-the back and forward movement put her to sleep in time for her morning nap.”

Nageehersisyo si Anne na parang hindi alintana na nasa loob ng stroller si Baby Dahlia. Nakakabilib si Anne sa ginagawa niyang pagiging full-time mommy dahil nagpasasabay niya ang kanyang personal na mga gawain sa pag-aalaga ng kanyang anak.

Kaya maraming fans ni Anne ang naaliw sa kanyang pageehersisyo at naging inspirasyon sa ibang full time mommy na kagaya niya.

“Ohhh this great! *taking down note for future reference”

“Wow nice ann i like ur routine exercise with your pretty daughter”

“Okkk was thinking of missing my workout today…got inspired by thisss”

Dahil dito marami ang napabilib kay Anne.

error: Content is protected !!