Connect with us

Entertainment

First Time Mom na si Angeline Quinto, Ipinasilip ang kanyang Araw-araw na Buhay Bilang Bagong Ina sa Kanyang Anak na si Baby Sylvio

Isang ganap na Ina na si Angeline Quinto matapos niyang isilang noong nakaraang April 27, 2022 ang kanyang first child na pinangalanan niyang Sylvio. Sa bagong vlog na ipinalabas ni Angeline sa kanyang youtube channel, ibinahagi ng new mom ang kanyang buhay bilang ina.

Photo credits: Angeline Quinto | Youtube

Pagbabahagi ng singer/actress na madami ang nabago sakanya especially sa kanyang personal appearance especially ang kanyang ilong na kailan lang ay namamanas. Maliban sa kanyang personal appearance, ibinahagi din ni Angeline na madaming nagbago sa kanyang buhay lalo na at isa na siya ngayong certified nanay kaya naman ipapakita niya ito kung paano niya inaalagaan si baby sylvio sa araw-araw.

Photo credits: Angeline Quinto | Youtube

Binigyan ni Angeline ng title ang kanyang bagong labas na video sa kanyang youtube channel na “A Day in a Life as a New Mom” kung saan mayroon na ngayong mahigit 1.4 million views.

Sa unang bahagi ng video, ibinahago mo angeline na maaga siya nagigising at nagaalmusal habang tulog pa si Sylvio, binawalan din siya ng kanyang doktor na uminom ng maraming kape dahil siya ay nagpapabreastfeed pa. Ayon kay Angeline hindi madali ang maging isang ina, lalo na at mahirap, nakakapagod, at puyat pero lahat ng ito ay naeenjoy niya daw dahil nawawala ang kanyang pagod lalo na paghawak hawak niya na ang kanyang anak.

Photo credits: Angeline Quinto | Youtube

Hands-on din sa mga gamit ng bata si Angeline kung saan inoorganize niya ng mabuti ang gamit ng bata para hindi rin siya nahihirapan kung saan niya kukunin ang mga kailangan ni baby sylvio lalo na kapag ito ay naliligo o di naman nagpapalit ng damit at diaper.

Photo credits: Angeline Quinto | Youtube

Malaki din ang pasasalamat ni Angeline sa mga kaibigan at fans niya na nagbigay ng mga gamit kay Sylvio, ilan nga sa mga ibinigay sa kanyang anak ay mga damit at napakaraming lampin.

Makikita din sa isang bahagi ng video na pinapaarawan ni Angeline si sylvio, hands-on din sa pagpapaligo si Angeline. Makikita din na katulong ni Angeline ang kanyang partner sa pag-aalaga kay sylvio.

Photo credits: Angeline Quinto | Youtube

Photo credits: Angeline Quinto | Youtube

Photo credits: Angeline Quinto | Youtube

Photo credits: Angeline Quinto | Youtube

Labis ang pagpapasalamat ni Angeline kay Lord dahil sa ibinigay niyang pinakamagandang regalo sakanyang buhay at yun ay si Sylvio, wala din katapusan ang pagpapasalamat ni Angeline sa kanyang mga fans na laging anjan na nakasubaybay sa kanyang mga video habang ibinabahagi niya ang kanyang pregnancy journey hanggang ngayon na isa na siyang certfied new mom. Congrats Angeline.

 

 

error: Content is protected !!