Connect with us

Entertainment

“First Time mag Kudkod” Bea Alonzo Enjoy na Enjoy sa Pagluluto ng Kakaning Biko sa kanilang napaka Gandang Farm

Ang sikat na aktres na si Bea Alonzo ay isa sa sinusubaybayang artista sa industriya ng showbiz. Kaya naman, hindi rin nagkululang si Bea sa pagbibigay ng update sa kanyang mga tagahanga. At upang maibahagi nga sa kanyang mga tagahanga ang mga kaganapan sa kanyang buhay, ay gumawa na rin siya ng sariling YouTube channel.

Madalas nating mapanood sa mga vlog ni Bea ang masasayang kaganapan sa buhay niya katulad ng bakasyon at mga espesyal na okasyon. Maliban dito, ay ipinapasilip rin ni Bea sa kanyang vlog ang simpleng buhay niya sa kanyang napakaganda at napakalawak na farm na Beati Firma.

Photo credits: Bea Alonzo | Youtube

Hindi naman dito natatapos ang mga content ni Bea sa kanyang vlog, dahil maging ang pagluluto ng iba’t ibang klase at masasarap na pagkain, ay sinubukan na rin ng aktres. At tila nga nagkaroon na rin si Bea ng cooking show sa kanyang Youtube channel kung saan nga ay kanyang ipinapamalas ang talento sa pagluluto ng mga pagkain.

Kamakailan lamang nga, ay ipinasilip ni Bea ang pagluluto ng isa sa pinakapaborito niyang meryenda, ang biko with latik. Ito nga ay isang tradisyunal na kakaining Pinoy na talaga namang napakasarap lalo na’t pinalasa ng gata ng niyog.

Photo credits: Bea Alonzo | Youtube

Ayon naman kay Bea ay mahilig talaga silang mag-meryenda kaya naman naisipan niyang magluto ng kakaning biko. At hindi nga pinalampas ni Bea ang pagkakataon na maibahagi ito sa kanyang mga tagahanga.

Photo credits: Bea Alonzo | Youtube

Sa unang bahagi ng video ay makikita ang mga sangkap na inihanda ni Bea sa pagluluto ng biko tulad ng malagkit na bigas, niyog, at asukal. At dahil nga sa farm siya magluluto, ay talagang probinsyang-probinsya rin ang proseso ng kanyang pagluluto kung saan ang ginamit ni Bea ay kahoy para maluto ang masarap na biko.

Samantala, mismong si Bea rin ang nagkudkod ng niyog at siya rin ang nagpiga nito para naman makakuha ng gata. Bagama’t, unang beses itong ginawa ni Bea ay makikita namang enjoy na enjoy siya sa kanyang ginagawa.

Photo credits: Bea Alonzo | Youtube

Photo credits: Bea Alonzo | Youtube

Sa bawat hakbang naman sa pagluluto ng biko ay maigi namang ipinaliwanag ni Bea. At tila nga, kabisadong-kabisado na ni Bea ang proseso ng pagluluto nito. Hindi naman maikakaila na talagang sanay na sanay na ang aktres sa simpleng buhay niya sa farm. Habang nakasaing naman ang malagkit na kanin ay niluluto naman ni Bea ang latik na siya namang ilalagay sa biko.

Matapos nga ang mahabang proseso ay natapos na rin ni Bea ang pagluluto ng masarap na kakaning biko. At hindi naman maitago ng aktres ang saya sa kanyang mukha nang tikman ang masarap na biko na kanyang niluto.

Photo credits: Bea Alonzo | Youtube

Napakasarap naman talaga ng kakaining biko at ito nga ay maaari ring ihanda sa ating mga lamesa para sa nalalapit na pagdiriwang ng kapaskuhan at bagong taon. Kaya naman, sa huling bahagi ng kanyang video ay inimbitahan rin ni Bea ang kanyang mga manonood na subukan ang pagluluto ng biko sa kanilang tahanan. Bukod kasi sa masarap ay kilala rin ito sa tawag na “Filipino Tikoy” na simbolo ng “prosperity at unity” dahil sa pagiging madikit o malagkit nito.

error: Content is protected !!