Connect with us

Entertainment

“Nakatoka sakin ung Pagpapa Araw, Pagpapaligo” First Time Dad Jhong Hilario, Ibinahagi ang Karanasan Bilang Bagong Ama sakanyang Anak na si Sarina Oceana

Kitang kita ang kasiyahan sa muka ni Jhong Hilario bilang bagong ama sa kanyang anak na si Sarina. Sa naging interview sa kanya nila Momshie Melai Cantiveros at Momshie Jolina Magdangal sa Magandang buhay, ibinahagi ng aktor na lagi itong puyat at walang tulog pero sa kabila ng nararanasang hirap bilang isang first time dad, masayang masaya naman daw si Jhong at tuwang tuwa dahil mayroon na siyang Baby.

Photo credits: Magandang Buhay | Youtube

“Ito, walang tulog. Pero masaya. Sobrang nakakatuwa na meron na ‘kong baby,” ani Jhong.

Hands on daddy si Jhong ngayon sa kanyang baby, at dahil dito ay may mga nakatuka na sakanyang gawain para kay baby, kabilang na dito ang pag-gising ng 6:30 am ng umaga para paarawan si Sarina, pagpapaligo, pagpapalit ng diaper at pagpapadede sa bottle kapag nagpapahinga ang kanyang asawa na si Maia.

Photo credits: Jhong Hilario | IG

Ngunit aminado din si Jhong na nakaramdam sya ng matinding takot noong mga panahong nanganak ang kanyang longtime partner na si Maia Azores,

Nang tanongin naman sya ni Momshie Melai kung ano ang nararamdaman niya ngayong tatay na sya at Popshie na ang tawag nila sakanya, agad namang sinagot ni Jhong na naninibago siya pero ganon daw talaga dahil darating at darating ang time na magiging ama sya lalo at sa edad na 44 ay natural lang daw na maging tatay na ito.

Nang tanongin naman ni Jolai kung bakit Sarina ang ipinangalan nila sa kanilang anak, ayon kay Jhong galing ang Sarina sa Hebrew name na ibig sabihin ay Princess, ang second name naman ni Sarina na Oceanea ay nakuha ng mag-asawa dahil sa madalas nilang pagpasyal sa beach lalo na noong buntis ang kanyang asawa.

Photo credits: Jhong Hilario | IG

Bilang first time dad, lahat ng bago ay naranasan ni Jhong at hindi nawala ang takot sakanya, katulad nalamang noong first time nya na paliguan si Sarina, dahil hirap pa gumalaw ang kanyang asawa dahil sa opera nito, at wala silang kasambahay si Jhong lang ang pwedeng magpaligo sa anak kaya naman buong tapang niyang hinarap ang kanyang takot bilang isang first time dad at first time magpaligo ng baby kung saan isa ito sa pinakamahirap at nakakatakot na experience bilang isang bagong ama.

“Pero kailangan ko lakasan ‘yung loob ko kasi wala namang gagawa nun. Siyempre si Maia, bagong operada rin. CS siya, eh. So hindi pa rin masyadong makagalaw. Kailangan ako kasi wala rin naman kaming kasambahay,” dagdag ni Jhong.

Photo credits: Jhong Hilario | IG

Nang tanongin naman ang aktor kung ano ang mga pinakagusto niyang gawin kay sarina, sagot naman nito ay ang patawanin at patulogin ang kanyang anak samantala ang mga pinaka nahihirapan naman syang gawin ay ang pagpapalit ng diaper.

Talagang kahanga hanga si Jhong Hilario bilang isang hands on dad kaya naman marami ang bumibilib sakanya.

error: Content is protected !!