Connect with us

Entertainment

First Baby nina Ethel Booba at Jessie Salazar na si Baby Michaela, 4 Months Old na

Published

on

Ang anak ay maituturing na isang pinakamagandang biyaya mula sa Maykapal. Iba ang hatid na ligaya ng mga sanggol sa loob ng ating tahanan. Sila ang nagbibigay kulay sa buhay ng pamilya at nagbibigay ng saya sa mga taong nasa loob ng tahanan. Ngunit, ang paglipas ng panahon ay sadyang napakabilis kaya naman sa bawat oras na kasama natin ang mga cute na baby ay ninanamnam natin ang bawat sandali.




Ganito na nga ang mag-partner na sina Ethel Booba at Jessie Salazar sa kanilang baby. Apat na buwan na nga ang nakakalipas matapos ipanganak ng singer at komedyante na si Ethel Booba ang kanyang anak na si Baby Michaela na tinawag naman niyang kanyang ‘Little Booba’. Noong February 14, 2020 ipinanganak ang napaka-cute na si Baby Michaela na bunga ng pagmamahalan nina Ethel Booba at non-showbiz partner niyang si Jessie Salazar na isang chef.

Photo credits: ethelbooba | Instagram

At kamakailan nga, ipinagdiwang nila ang ika-4 months birthday ng kanilang anak na si Baby Michaela. Nakahiligan na ng dalawa ang pagba-vlog na talaga naman nai-enjoy nila. Sa Youtube Channel ni Ethel Booba mapapanood ang kanilang mga videos patungkol sa kanilang parenting journey at everyday routine nila habang naka-enhanced community quarantine.

Photo credits: ethelbooba | Instagram

At sa vlog nga idinaan ni Ethel ang selebrasyon ng ika-4 months old ni Baby Michaela na pinamagatan niyang ‘Michaela’s Fourth Month Celebration’ na ibinahagi naman ng singer noong June 17 sa kanyang Youtube Channel.




Photo credits: ethelbooba | Instagram

Mapapanood sa video ang paghahanda ni Ethel sa gagawing pictorial ni Baby Michaela. At upang gawing makulay ang pictorial, lumabas ng bahay si Ethel upang mamitas ng mga bulaklak na gagamitin niya bilang dekorasyon. Matapos nito, ay binihisan naman niya si Baby Michaela ng cute na damit na kulay pula ay sinamahan na rin niya ito ng headband na polka dots. Samantala, nakapulang damit rin sina Ethel at Jessie kaya naman terno ang outfit ng pamilya para sa simpleng selebrasyon 4th month birthday ni Baby Michaela. Hindi rin syempre nawala ang isang birthday cake na may disenyong kulay pulang ribbon at polka dots na katulad ng outfit ni Baby Michaela.

Photo credits: ethelbooba | Instagram

Matatandaan na nagkakilala sina Ethel at Jessie noong 2017 sa isang party. At matapos nga ang dalawang taon, ibinunyag ni Ethel nang mag-guest siya sa It’s Showtime na siya’y 6 months ng buntis sa panganay nila ng long-time boyfriend na si Jessie.

error: Content is protected !!