“Find a Girl Who’ll Love You Even When You’re Poor”: Payo Ng Isang Lalaki Sa Mga Kalalakihan Nag-viral

Kadalasan sa paghahanap ng taong makakasama habang buhay, mas napupusuan ng mga kababaihan ang mga taong higit na nakakaangat sa buhay. Ito nga ang masakit na katotohanan pagdating sa buhay pag-ibig, higit na nagkakaroon ng pagkakataong makatagpo kaagad ng kapareha ang lalaking mayaman kumpara sa mga kalalakihang kapos sa buhay. Ang ilan nga sa mga kababaihan ay nais na magkaroon ng maayos na pamumuhay, at nagiging praktikal na lamang sa pagpili ng taong makakasama habang buhay.




Ngunit sa pagmamadaling makahanap ng mayamang lalaking maaaring makasama sa buhay, nakakaligtaan na ang tunay na kahulugan ng pag-ibig, kaya naman karamihan nga sa mga ito ay nauuwi sa hiwalayan kagaya na lamang ng mga napapanood natin sa Tulfo. Mayroon ring mga gold digger pranks na mapapanood sa youtube na halimbawa ng mga babaeng ang nais lamang ay kayamanang taglay ng lalaki kaya agad nila itong nagugustuhan.

Sa kabilang banda, isang maituturing na pag-asa at inspirasyon ang hatid sa mga lalaking kapos sa buhay, at patuloy na nagsusumikap ang payo ng isang lalaki na nagviral patungkol sa paghahanap ng babaeng hindi tumitingin sa kayamanan, bagkus ay ipinakita pa rin ang pagmamahal sa kabila ng pagiging mahirap. Dahil tunay ngang madarama ang tamis ng pag-ibig kapag magkasama kayo sa pag-abot ng mga pangarap upang magkaroon ng magandang buhay.

Nakilala ang lalaki bilang si Jokey Robles na kung saan ang kaniyang post para sa kaniyang mahal na asawa ay nag-viral. Labis ang pagmamahal at pagpupuri ni Jokey sa kaniyang asawa na talagang nga namang masasabing isang tunay na pag-ibig.




Kaya’t maraming mga netizens ang nakarelate, humanga at nainspire sa kanilang pagmamahalan na nagdala sa kanila sa matagumpay na buhay.

Narito ang post ni Jokey Robles na nagpaantig sa mga puso ng mga netizens at labis na sinang-ayunan ng mga ito.




“Magpakayaman ka muna para sa susunod ikaw yung habulin nila. Linyahan na laging sinasabi sa mga iniwan… Oo may punto naman ito pero para saken kase mas romantic yung “love story” pag wala kapang kaya sa buhay tas mahahanap mo yung babaeng di ka iiwan kahit anong mangyari. Yung magiging saksi sa tagumpay mo, yung mananatili sa tabi mo sa kabila ng mga problema, yung di ka ipagpapalit, yung walang sawang aangkas sa motor mo umulan man o tumirik ang araw, yung walang selang isusuot yung sira at mabigat mong helmet pag hatid sundo mo, yung babaeng makakapaghintay na sabihin mong… “Babe magseatbelt kana”… o diba ganda ng transition, imagine yung dating inaangkas mo pinagbubuksan mona ng pinto ng kotse.

Mas masarap kase sa feeling yung makatagpo ka ng taong magtutulak sayo para maabot mga pangarap mo kesa makatagpo pag naabot mona ang pangarap mo. Kase kung mapapansin natin ngayon, karamihan sa mga ibang babae pinipili na lang nila ay yung mismong “finished product”. Sabi nga nila, mas masarap kainin yung pagkain pag nasaksihan mo yung pagkaluto at pagkahain. Di naman kase yaman at kagandahan yung basehan sa tunay na pagmamahalan. Isang lalaking may pangarap at babaeng tapat BOOM… “and they lived happily ever after”.




Tunay ngang napakasarap sa pakiramdam ang makatagpo ng babaeng tunay na magmamahal sayo, anuman ang estado sa buhay. Higit ring madadama ang tunay na pag-ibig kung magkasama niyong haharapin ang mga hamon ng buhay patungo sa tamis ng tagumpay.