Connect with us

Entertainment

“Finally, she found the one”: John Lloyd Cruz, Masaya Para Sa Kanyang Dating Ex-Girlfriend Na Si Ellen Adarna Sa Pagpapakasal Nito Kay Derek Ramsay

Bago matagpuan ni Ellen Adarna ang kabiyak ng kanyang puso sa piling ng kanyang asawa na ngayong si Derek Ramsay, ay naunang nakarelasyon ng aktres ang aktor na si John Lloyd Cruz. Bagama’t ang kanilang pagmamahalan ay ay napuno ng saya at kulay, ay nauwi parin ito sa huli sa hiwalayan matapos ang ilang taong pagsasama.

Ang kanilang dating matamis na pag-iibigan ay nagbunga ng isang anak na lalaki. Ito nga ay si Elias na ngayon ay tatlong taong gulang na. Si Elias ay nasa poder ng kanyang inang si Ellen. Bagama’t hiwalay na sina Ellen at John Lloyd, ay may co-parenting set up naman silang inilaan para sa kanilang anak upang mapalaki ito ng maayos.

Samantala, matapos maikasal ni Ellen nitong nakaraang Nobyembre 11 sa Tagaytay, ay marami naman ang nais malaman kung ano ang reaksyon ni John Lloyd. At kamakailan lamang, nang mag-guest ang aktor sa programa ni Jessica Soho na “Kapuso Mo, Jessica Soho”, ay natanong ang aktor sa saloobin nito sa pagpapakasal ng kanyang dating nobya.

Hindi naman maikakaila na kahit na nagkahiwalay sila, ay may maganda naman silang samahan para sa kanilang anak. Kaya naman, suportado rin ni John Lloyd ang pagpapakasal nito sa aktor na si Derek Ramsay. Aminado naman si John Lloyd, na iniiwasan niya talagang magbigay ng pahayag patungkol sa kanila ng ina ng kanyang anak dahil kung anuman ang namagitan sa kanila ay nakaraan na ito.

Simple man ang naging sagot ni John Lloyd, ay bakas naman sa aktor na masaya ito sa panibagong yugto ng buhay ng kanyang dating nobya.

Aniya,“Finally, she found the one”.

Dagdag naman ni John Lloyd, ay hangad niya ang masaya at matatag na pagsasama nina Ellen at Derek. At ang makita nga ng kanyang anak na si Elias ang magandang pagsasama ng kanyang ina, at step dad, ay malaking tulong na raw para sa kapakanan at paglaki ng kanyang anak.

“Siyempre, sincerely, I wish her all the happiness in the world. And I wish them both a strong and fun marriage. Kasi vital ‘yan sa welfare at sa growth ng anak ko.”

Tila naman, panatag na rin ang loob ni John Lloyd dahil ang kanyang anak ay lalaki sa isang masayang pamilya. Sa ngayon, ay balik showbiz na si John Lloyd. Kaya naman, nakatuon ang kanyang pansin ngayon sa kanyang karera upang muling ipamalas ang kanyang talento sa pag-arte.

Ngayon pa lang nga, ay marami na ang nakaabang sa mga proyekto ni John Lloyd na ngayon ay isa nang ganap na Kapuso.

error: Content is protected !!