Connect with us

Stories

Fiancee ni Andi Eigenmann na si Philmar Alipayo, Naiyak Matapos Mabasa ang Nakakaantig na Sulat ni Andi para sa Kanya

Hindi naman talaga maikakaila kung gaano kamahal ng aktres na si Andi Eigenmann ang kanyang partner at soon to be husband na si Philmar Alipayo. Magmula nga ng makilala ni Andi si Philmar, ay nagbago na ang takbo ng kanyang buhay. Buong puso ngang tinanggap ni Andi ang simpleng buhay at buong pagkatao ni Philmar. Kaya naman, hindi rin nakapagtataka na ang pag-ibig ng aktres, ay buong puso ring sinusuklian ni Philmar.




At kamakailan, ay muli na namang napaiyak si Philmar dahil sa matinding emosyon matapos mabasa ang iniwang sulat ni Andi para sa kanya. Habang binabasa nga ni Philmar ang nakakaantig na sulat, ay tumulo ang kanyang luha sa nilalaman ng mensahe na puno ng pagmamahal at pasasalamat sa kanya ni Andi.

Photo credits: Happy Islanders | IG

Sa latest vlog ni Andi kung saan tampok ang kanyang birth journey, ay masisilayan rin ang emosyon ni Philmar matapos mabasa ang sulat ni Andi na iniwan nito bago manganak.

Photo credits: Happy Islanders | IG

Panimula nga ng aktres, ay sana raw ay pareho sila ng nadaramang kaligayahan dahil malapit na nilang masilayan ang kanilang baby boy. Pinasalamatan pa ng aktres ang kanyang fiancee, sa pagiging isang mabuting partner na palaging nakasuporta sa kanya.

Photo credits: Happy Islanders | IG

Photo credits: Happy Islanders | IG

“Mahal, here we go again! Hope you are as happy as I am that our baby is on the way. Thank you so much for everything! Thank you for always being by my side, for being my biggest support, for helping me to be strong and brave, and for inspiring me to be the best parent I can be to our kids.”

Photo credits: Happy Islanders | IG




Dagdag pa ni Andi sa liham, ay labis ang kanyang kaligayahan matapos nitong hingin ang kanyang kamay upang makasama habang buhay. Sinabi rin ni Andi, kung gaano kaswerte ang kanyang mga anak sa pagkakaroon ng amang katulad niya. Tinapos naman ni Andi ang sulat sa pamamagitan ng pagbigkas ng matamis na salitang “I love you” kay Philmar.

Photo credits: Happy Islanders | IG

“I am the happiest since you asked me to be yours forever and to be your partner in life, as we go through this experience with you. My kids are very lucky to have you as their papa. I love you!”

Matapos ngang basahin ni Philmar ang sulat ni Andi, ay napaiyak na lamang ito. Patunay lamang nito, na sa bawat luha ni Philmar ay masasalamin kung gaano niya kamahal si Andi at ang kanilang mga anak.

Photo credits: Happy Islanders | IG

Ngayon nga na isinilang na ni Andi ang kanilang baby boy na si Koa, ay tiyak na mas lalong magiging matibay at matatag ang pagmamahal nila sa isa’t isa. Nito lamang ika-17 ng Enero, isinilang ni Andi ang kanilang pangalawang anak na si Baby Koa.

Maliban kay Baby Koa ay may dalawang anak pa si Andi, ang panganay na si Ellie na anak niya kay Jake Ejercito. At si Baby Lilo na panganay na anak naman nila ni Philmar.

error: Content is protected !!