Connect with us

Entertainment

Father at Son na mga Celebrities na Talagang Malaki ang Pagkakahawig sa Parehong Edad ng Kanilang Kabataan

Hindi maikakaila na ilan sa ating mga anak na lalaki ng mga artista sa showbiz, ay talaga namang malaki ang pagkakahawig sa kanila, lalo na noong kanilang kabataan.
Narito nga ang ilan sa mga mag-ama sa showbiz, na talaga namang magkahawig sa isa’t isa, lalo na sa parehong edad ng mga ito.




Aga Muhlach at Andres Mulach (19-taong Gulang)

Photo credits: www.cosmo.ph

19 taong gulang ang aktor na si Aga Muhlach ng mapabilangsiya sa 1988 film na “Lord Bakit Ako Pa”, kung saan ay kasama niya rito ang aktres na si Snoooky Serna at ang dalawang mahuhusay rin na aktor na sina Gabby Concepcion at Rowell Santiago.

Samantala, ngayong nasa edad 19 na rin ang anak ni Aga na si Andres Muhlach, ay mapapansin na ang pagkakahawig nito sa kanyang ama, noong nasa parehong edad niya pa lamang ito. Tila unti-unti na ring pinapasok ni Andres Muhlach ang industriya, matapos nitong mapabilang sa campaign ng Bench.

Matatandaan naman sa naging panayam noong kay Aga, ay sinabi nito na nais niyang matapos muna ng kanyang mga anak ang pag-aaral ng mga ito, bago pa man mag-isip ang mga ito kung nais ba nilang pumasok sa showbiz industry.

Jericho Rosales at Santino Rozales (19-taong gulang)

Photo credits: www.cosmo.ph

Si Jericho Rosales, ay nagsimula sa showbiz ng magwagi siya sa talent search noon ng Eat Bulaga. Taong 1988, sa edad ni Jericho na 19-taong gulang, ay talaga namang isa na siya sa itinuturing na sikat na mga aktor, dahil sa tatlo ang kanyang pelikula, at tatlong show din sa telebisyon ang kanyang ginagwa.

Samanatala, ang kanyang anak na si Santino naman, sa edad nito na 19-taon ngayon, ay nasa ibang linya naman , dahil mas pinili nitong pasukin ang pagmomodelo.

Piolo Pascual at Iňigo Pascual (22-taong gulang)

Photo credits: www.cosmo.ph

22 taong gulang noon si Piolo Pascual ng mapabilang siya sa Mara Clara at Esperanza, kung saan ay ipinakita niya ang kanyang husay bilang isang aktor. At tulad ng ama, sa edad na 20’s rin nagsimula si rin ni Iňigo ang pagiging isang singer at performer sa kanyang ama.

Gary Valenciano at Gab Valenciano (32-taong gulang)

Photo credits: www.cosmo.ph

Sa edad na 32, ay nagkaroon na agad ng 11 albums ang singer-songwriter, dancer, musician, actor, music procedure, at television host na si Gary Valenciano, at hind maikakaila na parehas niya ay namana rin ng kanyang anak na si Gabby Valenciano, ang kanyang pagiging multi-hyphenet.

Si Gab Valenciano ngayon, ay isa na ring dancer, actor, musician, host, percussionist, drummer, choreographer at model.

Benjie Paras, Andre Paras at Kobe Paras (22-taong gulang)

Photo credits: www.cosmo.ph

Si Benjie Paras ay isa sa mga kilalang basketbolista noon, na ngayon ay retirado na, maliban rito ay isa rin siyang aktor sa telebisyon. Samantala, pinatunayan naman ni Benjie na ang isang bunga, ay hindi nalalayo sa punong pinagmulan nito, dahil ang kanyang dalawang anak na sina Andre at Kobe ay parehong sumunod sa kanyang yapak at pagkahilig sa basketball, at maging sa pag-arte bilang isang aktor.

Richard Gutierrez at Zion Gutierrez (3-taong gulang)

Photo credits: www.cosmo.ph

Si Richard Gutierrez at ang kakambal nito na si Raymund Gutierrez, ay parehong maagang napasok sa industriya ng showbiz, kung saan ay talaga namang sila ang kambal na kinagigiliwan ng mga manonood tuwing mapapanood sila sa telebisyon.




Samantala, kahit pa nga ba nakikita sa anak ni Richard ngayon na si Zion, ang potensyal nito na maging tulad ng kanyang ama noon, ay wala umanong plano ang mga magulang nito na si Sarah at Richard na maagang ipasok sa showbiz si Zion.

Edua Manzano at Luis Manzano (39-taong gulang)

Photo credits: www.cosmo.ph

Hindi nga maikakaila na tulad ni Edu Manzano, ay talaga namang isa ring mahusay na host at actor ang kanyang anak na si Luiz Manzano.

Erap Estrada at Jake Ejercito (30-taong gulang)

Photo credits: www.cosmo.ph

Matapos ang dalawang taon ng pagiging isang aktor sa industriya ng showbiz, ay pinasok ni Joseoh Estrada ang pulitika, kung saan siya ay nasa edad 30 ng mga panahon ng siya ay maging alkalde ng San Juan City taong 1967.
Ngayon nga ay ang kanyang anak na si Jake, ay mayroon ding tinatagong husay sa pag-arte, at tulad ng ama ay sumali na rin ito sa mga election campaign.

Samantala, nito lamang ngang buwan ng Hunyo, ay pumirna na ang 30-taong gulang na binata sa ilalim ng pamamahala ng Star Magic.

error: Content is protected !!