Connect with us

Entertainment

“Family is Everything”: Manny Pacquiao, Ibinahagi ang Masayang Pagdiriwang ng Ika-19 Taong Kaarawan ng Kanyang Anak na si Michael

Ang mag-asawang Manny Pacquiao at Jinkee Pacquiao ay isa sa mga hinahangaang mag-asawa ng publiko, maliban kasi sa maayos na pagpapalaki sa kanilang mga anak kahit marangya ang pamumuhay, ay kakaiba rin ang ipinapakitang pagmamahal ng mag-asawa sa kanilang mga anak.

At nito lamang ika-12 ng Disyembre, kung saan ay masayang ipinagdiwang ang kaarawan ng kanilang pangalawang anak na si Michael, ay mas lalo ngang ipinaramdam ng mag-asawa ang kanilang pagmamahal sa kanilang anak.

Isang mahalagang yugto sa buhay ni Michael ang naganap noong araw ng Sabado, ika-12 ng Disyembre, sa kanilang tahanan sa Manila, dahil ngayon nga ay 19 taong gulang na siya. Hindi maikakaila na binatang-binata na nga ang anak na ito nina Manny at Jinkee. Kaya naman, ang espesyal na araw na ito ni Michael, ay napuno ng pagmamahal mula sa kanyang mga mahal sa buhay.




Sa Instagram, ay nagpaabot ng pagbati ang ina ni Michael na si Jinkee, kung saan ay ibinahagi nito ang mga kuha ng larawan mula sa masayang okasyon ng kaarawan ni Michael.

“You are loved,”caption ni Jinkee sa kanyang post.

Mapapansin naman sa mga larawan na wala ang mga babaeng anak ng mag-asawang Pacquiao na sina Princess at Queenie dahil ang mga ito ay naiwan sa Gensan. Makikita sa mga larawan na tanging ang mag-asawang Manny at Jinkee, kasama ang kanilang mga lalaking anak na sina Jimuel at Israel lamang ang naroon sa espesyal na selebrasyon.

Samantala, isa namang napaka-sweet na pagbati at puno ng kabuluhang mensahe ang ipinaabot ng Pambansang Kamao sa kanyang pangalawang anak. Kalakip ang isang larawan kung saan makikitang karga-karga ni Manny, ang napakatangkad at binatang si Michael.




Ayon nga kay Manny, sa espesyal na araw ni Michael, ay ito ang kanyang prayoridad. Dagdag pa nga nito, ang pamilya ay napakahalaga, matapos man ang araw, pamilya pa rin ang makakasama. Hindi rin maikakaila na proud na proud si Manny sa kanyang anak.

“Making my son a priority today. At the end of the day, family is everything. Always a proud dad here. Happy Birthday @pacquiao.michael.”

Photo credits: Jinkee Pacquiao | Instagram

Talaga nga namang napaka-blessed ng mga anak ni Manny, dahil walang kapantay na pagmamahal ang ibinibigay nilang mag-asawa sa mga ito.

Matatandaan naman na noong nakaraang Agosto, ay marami ang pinahanga ni Michael sa kanyang talento bilang isang rapper. Ito nga ay matapos niyang i-release ang sariling rap composition na pinamagatang “Hate”. Ipinahayag naman ng binata na seryoso siyang ipagpatuloy ang tinatahak na karera sa mundo ng musika bilang rapper.

 

 

 

error: Content is protected !!