Connect with us

Entertainment

 Ex-Going Bulilit Child Actor Timothy Chan Pinagkakaguluhan Ngayon Sa Angking Kagwapuhan

Published

on

Punong-puno ng katatawanan, mga eksenang kwelang kwela at nagpapangiti sa mga kabataan. Sino nga ba ang hindi napasaya at napahalakhak ng award winning child comedy show na Going Bulilit.

Nakakalungkot man na hindi na natin napapanuod ang paborito nating show hinding hindi natin malilimutan ang mga kulitan ng mga bibong batang nag-iwan ng puwang sa ating puso at isipan.

Pagkatapos nga ng 14 taon na pag-ere nito sa telebisyon, nagpaalam na ang best children comedy gag show nitong Agosto 4. Marami mang spekulasyon kung anu ba ang tunay na dahilan kung bakit kinailangan iwan ang telebisyon. Hindi pa rin maitatanggi na ang programa ay nakapag produce ng mga sikat na artista na kilala na ngayon at may pangalan na sa mundo ng showbiz.



Kahit nawala na ang programang ang bida ay puro kabataan, nanatili naman ang kinang ng mga batang artista na naging bahagi nito.

Sa katunayan, kumakalat ngayon ang larawan ng isang dating Going Bulilit child actor na si Timothy Lambert Chan. Ibinahagi ito ng isang Netizen kung saan agad itong naging trending at umani ng madaming likes, comments at shares.

Marami ang nagulat sa malaking pagbabago ng “May Bukas Pa” child actor, dahil mula sa pagiging cute na bibong bata ngayon ay ganap na siyang binata na talaga namang titilian dahil sa angking nitong kakisigan.

Ilang netizen pa nga ang hindi mapigilang magkomento sa facebook bilang paghanga sa big transformation niya. Ilan sa mga nasabing post ay “so cuuuuuute , Gusto ko siya makita sa television ulit, Si Rico ng May Bukas Pa, Ang laki niya na Ang tanda ko na talaga”

  

Una siyang nakita sa pambatang programa na Going Bulilit kung saan masasabing naging daan upang siya ay makilala sa mundo ng showbiz.



Naging bahagi din siya ng Kapamilya Teleseryeng “May Bukas Pa” kung saan gumanap siyang kaibigan ni Santino. Nakasama din niya dito ang batikang aktor na si Albert Martinez.

Pero bago pa man niya pasukin ang showbiz, talagang pangarap na ng batang aktor na maging artista. Sa katunayan madalas talaga siyang sumali sa mga talent competition, ito nga ang naging daan upang maging talent siya ng ABS-CBN pagkatapos niyang manalo sa SM Little Star Search at Ever Kiddie Star noong 2007.



Naging malamlam man ang ningning ng showbiz para sa batang aktor pero hindi pa rin tumigil ang mga fans sa paghanga sa kanya. Palagi pa rin nilang inaalam ang mga latest na pangyayari sa buhay ng dating batang artista na isa na ngayong gwapong binata.

error: Content is protected !!