Connect with us

Entertainment

Ex-Couple na sina James Reid at Nadine Lustre, Namataang Nag-hiking Nang Magkasama Kasama ang mga Kaibigan

Matatandaan na sa pagbungad ng taong 2020, ay lumikha ng ingay sa social media ang hiwalayan ng dating magkasintahan na sina James Reid at Nadine Lustre o mas kilala on screen ang kanilang tambalan bilang JaDine.

Marami sa kanilang mga tagahanga ang ikinalungkot at ikinagulat ang kanilang paghihiwalay. Ngunit, sa kabila ng kanilang hiwalayan, ay marami ang nakakakita ng madalas nilang pagsasama sa mga okasyon, dahilan upang isipin ng mga ito na nagkabalikan na ang dalawa.




At nito lamang ika-5 ng Enero, ay mas tumibay pa ang hinala ng publiko tungkol sa pagbabalikan ng dalawa, matapos mamataang magkasamang maghiking kasama ang kanilang mga kaibigan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jeriko Tan (@jeriko.tan)

Sa lnstagram ay ibinahagi ni James ang kuha ng mga video at larawan, sa kanilang masayang adventure sa pagsalubong ng bagong taon. Samantala, wala namang nabanggit na detalye at lokasyon kung saan nagtungo ang mga ito. Nagbahagi rin ng video at mga larawan sa Instagram ang kaibigan nilang si Jeriko Tan.

Makikita sa isang larawan si Jadine at James na malayo ang distansya sa isa’t isa. Si James ay nasa kabilang dulo na nakaupo sa bato, samantalang si Nadine ay nasa kabila naman habang nakaupo sa bato at naka-peace sign.

Ang mga nasabing kaibigan nina James ay kasamahan nila sa Careless Music Manila na sina COO Jeriko Tan, director Lox Valiente, at Filipino/Canadian entrepreneur Luke Thorssen.

Katulad ng ginawa ni James at Nadine ngayong taon, noong nakaraang taon rin ay inakyat nila ang Mt. Ulap sa Itogon, Benguet.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by James Reid (@james)

Samantala, ayon sa ulat ng PEP.ph noong ika-5 ng Enero, mula sa source na malapit sa dalawa, ay nagkabalikan na umano ang mga ito sa gitna ng pandemya. Dagdag pa rito, ay hindi na umano tinuloy ni James ang pagbebenta sa bahay na naging tahanan nila ni Nadine na matatagpuan sa Loyola Grand Villas sa Quezon City.




Nagsimulang pag-usapan ang muling pagkakamabutihan nina James at Nadine noong nakaraang Mayo 11, 2020 matapos magpost ni Nadine ng larawan nila ni James upang batiin ang aktor sa ika-27th birthday nito.

Matatandaan naman na isinapubliko nina James at Nadine ang kanilang hiwalayan sa pamamagitan ng joint statement, na inanunsyo ni Boy Abunda sa kanyang programang TWBA noong Enero 2020.

“It’s true that we have split up, but not for all the reasons that are being spread on the tabloids and social media, but because after quiet and mature conversations, we decided to focus on ourselves not only for our careers but more for our personal growth as we are still young and we want to achieve as much as we can.”

Hanggang sa ngayon ay hindi pa rin naglalabas ng pahayag sina James at Nadine sa tunay na estado ng kanilang relasyon.

error: Content is protected !!